Kabanata 6

10 1 0
                                    

KABANATA VI
Dinner

Walang araw na hindi kami magkasama ni Charles Sevilla, maliban na lang kung uuwi siya sa hometown nila. Patagal nang patagal, nakikilala ko siya. Naoobserbahan ko ang ugali ni Charles. Wala na ring moment na na-aawkwardan akong samahan siya kasi hindi na kami nagkakahiyaan.

Tawanan dito, tawanan doon. Tapos marunong palang magmura ang bwisit kaya ayun, nagmumurahan kaming dalawa.

We got closer than ever. Walang awkward o kaba moment. At kalaunan, nasanay na din ako sa behavior niya.

He's energetic, sweet and friendly to everybody pero siyempre mas doble pagdating sa akin. Ako ang bff eh. Hahaha. Nagkokpyahan din kami minsan ng assignment pero madalas ay ako ang kumokopya sa kanya.

This friendship is nice because we have shared a lot lately so I think it would be a waste if I would not brush whatever I have felt last time.

Pinatay ko ang kung anong nararamdaman ko noong contemporary.

Inaamin kong nagkaroon ako ng konting crush sa kanya.

But I think, what I felt last time was just a phase as everything seems new to me. Nag-aadjust pa ako non. I have learned that this is normal, so I should not make this a big deal.
So, now... I feel okay.

Today, we are sitting inside the dance room. All of us are sitting on the floor again and we listen attentively to the teacher. Ina-announce kasi ngayon kung ano ang output namin.
Seriously, I am really tired because of the recent activities. Maraming pinapagawa sa amin, kaya kaming lahat ay napapagod.

Minsan, naitatanong ko sa sarili ko – kaya ko ba tong pinasok ko? Kaya ko bang panindigan to kahit na alam kong masyado akong nahihirapan?
Ibang-iba ang gusto kong gagawin sa pinasok kong kurso ko ngayon.

Sometimes, we like to do things our own, but the reality of life is different. Kaya wala akong magagawa, kundi susundin ang sinabi ng magulang ko, kasi alam kong ito lang ang makakaya namin.

Pero sige lang. Kakayanin.


"So, as for our output, I want all of you to make a folkdance. This is an intensive project and I want all of you to do your best as this is not easy."
Lahat kami ay tahimik kaya nagpatuloy sa pagsasalita si sir.

"We have tackled all of the basic positions, steps and terms in folkdance. What I want you to do is to make a folkdance based on the city's culture and origin. Research and interview people on that place, it would be a lot helpful."

Weak murmurings can be heard inside the dance room.

"Now, group yourselves into five. But before that, I'm gonna choose the leaders first."

He called the usual leaders and I heard that he included Charles Sevilla.

Everybody is hopeful to be picked by Charles – at isa na ako don. When it comes to researching, nobody can do it perfectly but him.

Nang siya na ang pinapili, I looked at him intently for him to know that I want to be picked too. Hahaha.
Nagkatinginan kami saglit and then, he called my name.

"Jandice."

Yes!

"Ramona"

Binalingan ko ang kaibigan ko. Even better. Napa apir kaming dalawa.

"Gerene"

I looked at Gerene questioningly. Are they close?

"And Alex"

Tiningnan ko siya ulit. Bakit parang ang random ng pagpili? I don't have a problem with them pero he could have picked Marites, magaling din yon. But, oh well.

Chasing CharlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon