Dire diretso siyang naglakad patungo sa kanilang silid. Hinahanap ng kaniyang mga mata si Mika. Hindi siya nabigo sa paghahanap dahil nadatnan niyang nakatulala sa labas si Mika na tila malalim ang iniisip.
Dire diretso parin siyang naglakad hanggang sa malapitan na niya si Mika. Hindi niya alam kung bakit kusang huminto sa paglalakad ang kaniyang mga paa.
Napatingin siya sa kabuuan nito, balik sa dati ang ayos at porma nito. Wala kang makikitang bahid ng kahapon.
Napaangat muli ang kaniyang tingin hanggang sa mapako ang kaniyang mata sa labi nito. Kagaya parin ito ng kahapon, nakakapang akit parin kahit wala ng lipstick.
Natigil sa pagtulala sa labas si Mika nang mapansin niyang may taong nakatayo sa kaniyang harapan. Bahagya siyang napahinto at biglang napako rin ang kaniyang mga mata sa labi ng binata.
Parehas silang napaiwas ng tingin nang makaramdam ng kakaibang atmospera. Tila parehas silang naakwaran nang magtagpo ang kanilang mga mata.
"A-anong tinitingin tingin mo dyan?" Hindi makatinging saad ni Mika.
"H-huh? Tumitingin ba ako? I-ikaw kaya 'tong tumitingin saakin." Hindi komportableng tugon niya.
Parehas nilang gustong iwasan ang isa't isa kaya naman parehas silang lumabas sa kanilang silid.
"S-Sinusundan mo ba ako?" Pagsusungit niya.
"Mukha ba akong sumusunod sayo? Ako kaya ang naunang lumabas sa pinto."
Hindi mapakali si Kurt kaya naman tumakbo siya patungo sa soccer field. Nang makalayo, napahinto siya't nagtaka sa sariling asta.
"Teka? Bakit ako lumalayo? Bakit ako tumatakbo?" Binatukan niya ang sariling ulo. Nagmumukha na akong siraulo dito!
Samantalang naglakad naman ng mabilis si Mika patungo sa cr ng mga babae. Hindi siya mapakali at tila kinakabahan.
Sinara niya ang pinto at napasandal sa pader. Biglang pumasok sa kaniyang isipan ang mga nangyari sa loob ng cr kahapon.
"Hays!" Sinambunutan niya ang sarili at mabilis na lumabas patungong library. Ayoko na! Nakakainis! Bakit ba laging pumapasok sa isip ko 'yung gag*ng 'yun!?
***
"Anak, sunduin mo na 'yung kapatid mo. Mag aalas singko na." Utos ng Ina sa kaniyang anak na si Rico.
"Teka lang Ma, malapit na to matapos." Saad niya habang abala sa panunuod ng NBA.
Nang matapos sa panunuod ay agad siyang tumalima sa inutos ng Ina. Pagkarating sa paaralan ng kapatid ay saglit siyang naghintay hanggang sa ito'y dumating.
"Kuya!" Excited na saad ng bata saka niyakap ang nakatatandang kapatid.
"Kamusta school?" Tanong niya saka kinuha ang mga bitbit ng bata.
"Ok na ok po! Marami pa nga akong star e, tignan mopo!" Masayang saad ng kapatid at ipinakita sa kaniya ang kamay na puno ng tatak.
"Ay! Verygood si bunso ah? Dahil dyan, ililibre kita! Saan mo gustong kumain?" Nagsimula na silang maglakad papalayo sa school.
"Kuya, gusto ko sa Jollibee."
"Sige."
Huminto sila sa gilid ng pedestrian nang maging pula ang kulay ng sign. Hinawakan niya ang kamay ng kapatid at habang naghihintay ay hindi sinasadyang napatingin siya sa isang taong walang ulo.
Napadilat ang kaniyang mata. Ilang beses siyang kumurap para makasigurong totoo ang kaniyang nakikita at totoo nga ito.
Nakamotor ang nasabing tao. Wala itong ulo ngunit gumagalaw ang kaniyang katawan.
"Hala walang ulo!"
"Diyos ko po!"Hindi siya nagkakamali sa mga nakikita dahil maging ang iilan ay nakikita rin ang taong walang ulo.
"Takpan niyo 'yung ulo nyan!"
"Nako mamatay 'yan kapag walang nakialam!"Hindi mapakali ang ilang taong kasama nilang nakatayo sa gilid ng pedestrian. Ilang sandali nalang ang hinihintay bago ito magkulay berde.
Huminto ang nakamotor sa gilid ng kalsada. Walang naglakas loob na mangialam o sabihan man lang ang lalaki.
Nanatiling nakatulala si Rico. Ang kaniyang kapatid naman ay walang kamalay malay sa mga naririnig sa paligid.
Ilang sandali ang lumipas at may sumulpot na isa pang itim na motor na kinasasakyanan ng dalawang lalaking nakaitim, naglabas ang isang lalaki ng baril at agad na binaril ang—lalaking nawalan ng ulo kanina—sa gitna ng noo nito.
Agad na umalis ang dalawang nakamotor nang magawa ang kailangan nilang gawin. Ang lalaki naman ay agad na nawalan ng hininga at natumba kasama ang kaniyang motor sa kalsada.
Lahat ay nagulat. Napadapa at nagpapanic. Saka lang nagkulay green ang ilaw ng sign kaya nagsitawiran na ang mga tao. Dali daling tumakbo ang lahat papunta sa kinaroroonan ng namatay.
Kasindak sindak ang hitsura ng lalaking nakahandusay. Butas ang noo nito at tumagos pa ang bala sa likod ng kaniyang ulo. Dilat na dilat ito na halatang hindi pa handang mamatay.
"Diyos ko!"
"Nako! Hindi ko kayang tignan."Tinakpan ni Rico ang mata ng kaniyang mga kapatid. Saglit siyang napasulyap. Kalunos lunos ang nangyari sa lalaki. Halatang wala na itong pag asang mabuhay.
"Kuya anong meron? Bakit ang daming tao tapos bakit parang may maingay kanina?" Tanong ng batang kapatid.
Kinarga niya ito at saka lumayo sa maraming tao, "W-wag mo silang intindihin."
Kinakabahan si Rico. Pinipilit niyang maging kalmado kahit na nanginginig na ang kaniyang mga kamay.
"Kuya, ano ba talagang nangyayari?"
"W-wala. Tara na sa Jollibee ibibili kita kahit ano."
Nawala ang pagtatanong ng batang kapatid. Nakarating nalang sila sa nasabing fastfood ngunit nanatili siyang wala sa sarili.
Totoo kaya ang nga nakita ko? Totoo kaya ang mga pamahiin?
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
Ficción GeneralTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...