Pahina 3: Pamilihan

60 11 0
                                    


"Renzi Nelthia Aktim!" Muli ay napukaw ang aking pagkatulala nang isigaw ng aking panibagong propesor ang kumpleto kong pangalan.

Ilang araw na rin pagkatapos ng kompirmadong balita na nawawala si Elizabeth. Naging madugo ang isang linggo ko dahil ipinatawag ang mga taong nagpakalat ng balitang iyon. At sa kasamaang palad, ang aming diskusyon sa classroom ang tinuturong ugat ng nasabing chismis. Ipinatawag lahat ng nangahas na sumabat sa usapan at kasamaang palad, nadamay ako. I became a sacrificial lamb.

Sa limang pangalan na tinawag na pangahas na binubuo ng pangalan ko, ng aming guro, ni Dina, Alodia at Henso, kami lamang dalawa ni Henso ang pinalabas na masama dahil ayon sa Heneral, hinding-hindi magagawang maisuplong ng mga angat sa buhay na sila Alodia, Dina at aming guro ang angkan ng mga Ybanez. Magkakaibigan umano ang kani-kanilang mga angkan at kami lamang daw ni Henso ang kahina-hinala sa aming lima.

"Wow ha, as in wow talaga! Sobrang balanse ng panghuhusga niya. Ang henyo niya. "

Bilang kaparusahan naman, tinanggalan ako ng karapatang pumasok sa lahat ng silid-aklatang mayroon ang Kroza habang si Henso naman ay tinanggalan ng karapatang mag-aral lalo na't may nagsumbong sa Heneral na isa ito sa tagahanga ni Elizabeth.

Ayun rin sa sabi-sabi, naidagdag ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga taong pinagdududahang posibleng dumukot kay Elizabeth. Para sa iba ay hindi iyon makatarungan, maging ako ay hati ang opinyon dito sapagkat nakapagtataka rin ang parte na alam niyang absent si Elizabeth ng ilang araw habang wala rin naman siya sa klase. Ngunit ang pagdakip sakaniya nang walang sapat na ebidensya ay hindi makatarungan.

Noong una ay hindi ko iyon matanggap sapagkat hindi naging patas ang husgang ginawa ng Heneral. Ngunit nang umabot ng ilang linggo ang aking pagkatulala, napagod din ako at nagpasyang ituloy ang buhay. Magpokus sa aking mga hangarin at iwasang mag-isip ng mga ganoong bagay.

"Sa huling pagkakataon, Renzi Nelthia Aktim!" Napakurap ako at lantaran na ring akong pinamumulahan ng pisngi dahil sa kahihiyang hatid ng tonong ginamit ng aming guro.

"P-po?" Pikit mata kong tugon na siyang nagpausok lalo ng mga ilong nito sa galit.

"Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito. Ganiyan ba ang epekto sayo ng walang binubuklat na aklat sa silid aklatan ng ilang araw?" Nagpupuyos sa galit an tugon ng aming professor na siyang ikinalunok ko sa takot.

"Oh gods. I'm doomed."

"Patawad po." Mahina kong usal habang nakayuko.

"Baka po hindi pa rin iyan makamove on sa pagkakakulong ng dalawang love interest niya." Nang-uuyam na sulsol ng kontrabidang walang iba kundi si Alodia.

"Pansin ko rin, lahat ng malapit sa upuan niya eh minamalas." Dugtong naman ng kaibigan niyang si Dina na siyang ikinaputla ng natitira kong katabi sa bandang kanan.

Umusog pa ito ng kaunti na parang may nakakahawa akong sakit at nakakakitil ng buhay niya.

"M-may gusto ka kay Vito?" Automatic na tanong ng sa pagkakaalala ko ay Tanya ang pangalan at matalik na kaibigan ni Vito Draken Morales na siyang dati kong katabi sa klase.

"Hindi ah." Automatic na pagd-deny ko rin na siyang ikinagaan ng aura niya. Nakakatakot din naman palang pagselosin ang babaeng ito.

"Scary ka girl."

"Kumusta na pala si Vito, Tanya?" Biglang pagsingit ng katabi nito na siyang dahilan upang mawalan muli ng sigla ang mukha niya.

Parang kanina lang eh ang saya niya tapos ngayon, malungkot na ulit, Ang bilis niya naman magshift ng mood.

The Black MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon