RENZI NELTHIA AKTIM
Ibulong mo ang iyong kahilingan. Iukit mo gamit ang patak ng purong dugo para sa tintang naghahayag ng kasagutan. Itarak mo ang punyal sa pusod ng karagatan at ika'y kikinang sa malagong kalawakan. Humayo ka at maghukay nang malalim sapagkat ang tunay na makinang ay nakakubli sa dilim. Humalik ka sa dilim at lisanin ang liwanag. Sapagkat ang liwanag ay balakid at ang balakid ang tutupok sa iyong pag-alab.
Sa hindi mabilang na pagpatak ng oras, muli ay napahilot ako sa aking sintido pagkatapos ay mariing pumikit nang marahas.
"Gosh! Even the smell of this dusty book is very addicting." Bulong ko sa sarili.
Mukha man akong nasisiran sa pananaw ng mga kaedaran ko, pinili ko pa rin na humalik sa paniniwalang totoo ang nilalaman ng lumang librong ito. I even visualize my sight was bursting because of the ruined pages and unreadable parts na pinipilit ko pa rin na intindihin. Pero kahit gano'n, pinagsisikapan ko pa rin na pilitin ang sarili ko na mabasa ang mga susunod na mga linyang nakalathala rito. Kulang na lamang ay gamitan ko ito ng magnifying lense para lamang luminaw ang mga susunod na mga letra. Gusto kong matawa dahil baka nga tama sila. Nahihibang na ako.
"Nandito rin pala si Renzi." Narinig kong tugon ng isa sa estudyanteng kadarating lang sa mesang malapit sa pwesto ko.
Kung tutuusin ay marami-rami sila. Medyo maingay pa nga silang pumasok. I bet, they're here to do some research dahil mukhang buong klase nila ang nandito.
"Ano pa ba ang bago riyan? Kita mo nga oh, hawak-hawak nanaman niya ang weirdo na aklat." Natatawang sagot ng kasama niya na siyang siniko ng naunang pumuna sa akin. Apat kasi silang magkakasama sa iisang mesa.
"Hindi ba antigong aklat iyan? Pwede ba'ng basta basta na lamang hawakan iyan?" Pagpuna ng isa sa kanila.
"Patapong aklat na iyan. Ibisura iyan ng museum dahil wala naman daw iyang historical significance sa Kroza." Sagot ng isa pa.
"Hinaan mo konti, masyado ka'ng halata. Mataray pa naman 'yang si Renzi." Tugon ng sumiko sa kasama niya. Marahil, naramdaman din nito ang lakas ng pagkakasabi ng mga kasama niya.
"Aba! May hiya pa pala kayong i-chismis ako sa lagay na iyan?" I chuckle inside my thoughts. Mas may saltik naman pala itong mga apat na ito. Akala ko ba ako lang nahihibang dito? Hmm. Masubokan nga.
"Ang sarap naman ihampas itong hawak ko na aklat sa bunganga ng mismong kontrabida." I volumed a bit of my theoretical reaction sa book na binabasa ko.
Naramdaman ko naman agad ang pagpanic nilang apat kaya naman dali-dali silang lumipat sa other table na malayo sa section mismong inuukopa ko.
"Ay? Yun na yun? Ang weak naman hahaha." Natatawang bulong ko sa librong kaharap ko, kahit na yung mga chismosa naman talaga ang pinatatamaan ko.
At kagaya ng nakagawian ko, hindi ko na muling pinagtuonan ng pansin ang paligid. Maya-maya pa ay nagpahila nanaman ako sa aking paniniwalang totoo ang nilalaman ng librong hawak ko. Dahil kung hindi, eh bakit nandito ito sa seksyon ng hanayan ng mga aklat ng kasaysayan sa buong bayan ng Kroza? Bobo ba ang librarian dito? Mukhang hindi naman, ah. Kung haka-haka lamang ang nilalaman nito at napapabilang sa kwentong bayan, edi sana nakahanay din ito sa seksyon ng mga kwentong bayan. Hindi naman pwedeng naligaw lamang ang sandamakmak na librong ito sa maling hanay eh istrikto ang librarian dito.
"Mga ignorante lang kasi kayo." I roughly whispered as I sharpened my eyes sa mga estudyanteng hinuhusgahan ako.
"Mga walang modo talaga." Muling pagtataray ko dahil ayaw na ayaw ko talaga sa mga taong hindi marunong rumespeto sa differences ng bawat isa. I don't usually conform with the majority's meal. What's acceptable and comforting in my part will always gain my favor.

BINABASA MO ANG
The Black Matter
Science FictionHighest Rank: #2 in Hopeless #2 in Spiritual Si Renzi ay isang uri ng dalaga na matayog ang pangarap. Ang simple at payak nilang pamumuhay ng kaniyang ama na siyang trabahador sa minahan ang nag-udyok sa kaniya upang mag-aral ng husto sa likod...