Tumalikod ako kaagad sa kanya at agad naman niya akong hinawakan sa braso para pigilan.
"Please Dyanne kahit ngayong gabi lang makapag-usap tayo. I just wanna explain everything. Pinagsisihan ko ng malaki ang nagawa ko sayo noon. Inaamin ko na napakatanga ko dahil pinakawalan ko ang isang katulad mo." pagmamakaawa niya sa akin.
Habang nagsasalita siya hindi ko mapigilan ang sarili ko na 'di siya titigan. He is still the same Zadrich, mga matang nangungusap, labing manipis at mapula pa kesa sa akin, ilong na matangos na akala mo'y tila babae ang may-ari nito at higit sa lahat ay ang pangahan nitong mukha na lalong nagpadagdag sa physical features nito.
Ang mga features and qualities nito ang siyang minahal ko ng ilang taon. Binalewala lamang niya at binasura ang pagmamahal na binigay ko para sa kanya.
Kaya anuman ang laro niya ngayon ay tatanggapin ko bilang hamon.
Hindi ko na pinatagal pa ang kanyang sasabihin dahil alam ko naman kung saan hahantong ang pagmamakaawa nito.
"Enough Zadrich!" sabay lagay ng daliri ko sa kanyang labi bilang pagpapatigil sa kanyang pagsasalita.
"Wala nang halaga pa na ungkatin ang nakaraan lalo na't nagdulot ito ng sobrang sakit." malumanay kong salita sa kanya.
Since na pumasok siya dito as a guess buddy.
Might as well na sulitin ko ito. Tutal nagngingitngit pa rin naman ako ngayon gabi dahil sa babaeng iyon!Kaya naman hinawakan ko siya sa kamay para igiya siya paupo sa couch.
"Since nagpanggap ka na Guess Buddy ko, akin ka na muna ngayong gabi." habang kinukuha ko ang isang shot glass ng tequilla at ibinigay ito sa kanya.
Kinuha naman niya ito at sinalinan niya ng tequilla ang mga shot glass namin.
Habang si Cheska naman ay nanggigil na nakatingin sa akin.
I mouthed her it's okay.
Kinuha ko ang binigay sa akin na tequilla at kumuha ako ng isang slice ng lemon at binudbod ko naman ang iodized sa aking wrist.
Alam kong pinagmamasdan ni Zadrich ang bawat kilos ko kaya sinisiguro ko na maakit siya ngayong gabi sa akin.
Hindi pa tayo tapos Zadrich, sa tuwing maglalandas ang ating mga daan mas lalo akong nagkakaroon ng chance na makaganti saiyo.
Matapos ang ilang shots, naramdaman ko na ang pag-iinit ng aking mukha at buong katawan kaya para akong naeenganyo na bumaba sa dance floor at yayain si Zadrich na sumayaw.
"Hey, ayokong magkulong dito sa VIP room. Let's go downstairs and let's have fun." yaya ko sa kanila. Habang nagwa-warning na naman ang tingin sa akin ni Cheska.
Ngumiti lang ako sa kanya at binigyan ng flying kiss bago ko hinatak patayo si Zadrich.
Atubili siyang tumayo kaya naman nasabi ko sa kanya na "Hey, nahihiya ka ba na kasama ako sa baba? Well, oo nga naman pala ikaw pala ang may-ari nito at nakakahiya nga naman na makita ka nila na ganyan ang suot mo at nagpanggap pa na Guess buddy ko." sabay smirk sa kanya at iniwan.
Bababa akong mag-isa kung ayaw nila. The hell i care, nandito ako para makalimot sa sakit na dulot nila Roah at ng babae na iyon.
Maya-maya lamang nakasunod na pala si Zadrich sa likuran ko pagkalabas ko ng pinto.
Hmm, susunod rin pala.
Pagdating sa dancefloor.
Napalibutan kaagad ako ng mga kalalakihan pero bigla na lamang pumagitna si Zadrich at humarap sa kanila.
YOU ARE READING
The CEO and the FUCK BUDDY
Aktuelle LiteraturRAW/UNEDITED. SOON TO REVISE. [FIN] Dyanne Santiago is the youngest CEO in the country. Falling in love with a wrong man made Dyanne change the way how she look about love. He was her first love yet he's the first man to broke her heart into pieces...