Roah
Sobrang sakit na makita lang si Dyanne na makitang kahalikan ang lalaking naging dahilan kung bakit nawasak ang kanyang puso.
Kahit anong unawa ang gawin ko sa mga oras na ito 'di ko lubos maunawaan.
Bakit? Ano pa ba ang kulang?
Akala ko okay na ang lahat sa amin, dahil ba sa nakita niya sa amin ni Lillie? Kaya ganoon na ang ginawa niya? Sana 'di na lang siya umalis sa rest house at kinausap na lamang ako nang sa ganoon nakapagpaliwanag ako ng maayos sa kanya.
Hanggang sa nag-ring ang phone ko...
Dyanne's calling...
Hindi ko pa kayang makipag-usap sa kanya o humarap man lang sa kanya.
Wala ako sa katinuan ngayon. Ang tanging gusto ko lamang ay mapag-isa kaya naman napag-isipan kong dito sa resthouse ko sa Batangas magpalipas.
Maya-maya lamang nagsunud-sunod na ang messages mula sa kanya.
Hindi ko rin ito binasa...
Ayoko baka makapagbitiw lamang ako ng salita na pagsisihan ko sa bandang huli.
Paglabas ko ng kwarto dumiretso ako sa terrace at doon umupo sa isang upuan pahaba na katapat ay maliit na lamesa.
Nilapag ko doon ang ilang bote ng beer at binuksan ang isa.
Makalipas ang isang oras lango na ako sa ininom kong beer...
Tatayo na sana ako upang mahiga na sa aking kama nang biglang may yumakap sa likuran ko.
Pagtingin ko si Lillie pala. Ang ex-girlfriend ko na pinagpalit ako sa kanyang career at ngayong ay siyang dahilan kung bakit kami nagkakaganito ni Dyanne."Bakit nandito ka?" walang ganang tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang kanyang braso na nakayakap sa aking katawan.
"Hey! You don't miss me?" tanong niya sa akin na mapang-akit. Habang pinipilit kong iiwas ang aking mukha sa kanya na ngayon ay malapit na sa kanya.
"Don't you remember na magkapitbahay lang tayo. I saw you nang dumating ka dito kanina kaya naman tinapos ko muna ang aking night routine bago pumunta dito." dagdag pa nito na ngayon nakaharap sa akin pero ang mga braso ay nanatili pa rin nakayakap sa aking katawan.
"Please Lillie, leave me alone." habang pinanatili ko ang pagiging mahinahon kahit gustong-gusto ko na siyang itulak papalabas ng aking bahay.
"No! I'm not leaving. Ngayon kasama na kita papalampasin ko pa ba ang chance ko?" pagmamatigas niya sa akin
"Gaya ng ginawa mo noon na nagkaroon ka lang ng chance to work in London kaya pati ako iniwan mo at binalewala mo ang relasyon natin dahil diyan sa lintek na chances na iyan?" pikon kong turan sa kanya.
Bigla siyang napabitiw sa pagkakayakap sa akin marahil sa bigla dahil aaminin ko napagtaasan ko na siya ng boses.
"Look Lillie, i don't want to be rude so don't push me to my limits. It's not healthy i swear!" banta ko sa kanya dahil pikon na pikon na talaga ako sa kanya.
"And if i don't what will you do huh?" sabay upo niya sa gilid ng kama ko habang ang mga hita niya ay nakalantad sa aking harapan at unti-unti niya itong ibinubuka ng malaki. Nakasuot lamang ito ng big size shirt at tanging underwear sa baba ang suot nito at walang bra.
YOU ARE READING
The CEO and the FUCK BUDDY
Fiksi UmumRAW/UNEDITED. SOON TO REVISE. [FIN] Dyanne Santiago is the youngest CEO in the country. Falling in love with a wrong man made Dyanne change the way how she look about love. He was her first love yet he's the first man to broke her heart into pieces...