Chapter 32: The Wedding Day

6.8K 96 5
                                    


Kagabi pa kami dito sa rest house ni Roah at lahat ay inaayos ng team ni Menalippe Sandoval ang mga susuotin namin. Maging ang mga make-up artists naghanda na rin.

Hapon pa ang aming Beach Wedding ceromony kaya may pagkakataon pa ako makapag-relax.

Samantala si Roah at kanyang grooms men ay kasama niya sa kabilang kwarto.

"Hi, bestie." bati sa akin ni Cheska nang puntahan niya ako rito sa loob ng kwarto.

"Nervous?" tanong pa nito sa akin nang tumabi siya sa akin sa higaan.

"Nope... Excited, too much." sabay ngiti ng tipid.

"I'm so happy for you bestie. Natagpuan mo ang lalaking sobra ang pagmamahal saiyo." aniya pa sa akin.

"I'm lucky to have him. Mahal na mahal ko siya Cheska. Wala akong ibang nakikita na makakasama hanggang sa pagtanda kundi siya lamang."

"Sana anuman ang pagsubok na dumating sa buhay ninyong mag-asawa inyong malagpasan na magkasama." dagdag pa niya sa akin sabay hawak sa aking mga kamay.

"I always pray for that bestie." I sigh

"So papaano magkita na lang tayo mamaya ha. Pahinga ka na. Maya maya lang pupunta na ang mag-aayos at magbibihis saiyo. Bye!" sabay dampi ng labi nito sa aking labi.

"I love you so much Bestie." ani ko sa kanya bago lumabas ng pinto.

"I love you more!" sabay ngiti niya ng matamis at tuluyan ng umalis.

Nahiga muna ako saglit at kinuha ang aking cellphone para i-alarm ng 2 'oclock para makapag-prepare dahil 3 pm papasok na rito ang mag-aayos sa akin.

After a few hours of sleep, sakto sa pag-alarm ng aking cellphone ay tumayo ako at nagpunta na sa aking banyo.

Naligo ako at ginawa ang aking usual routine.

Sinuot ko na ang aking pair of underwears at roba lang ang aking isinuot.

Saktong pagdating nakalabas na ang aking wedding gown, shoes, purse, bouquet na ngayon ay kinukuhanan na ng videographer.

Nakaabang na rin ang mag-aayos ng aking buhok at magme-make up sa akin.

"Hello po Ma'm Dyanne, ready na po kayo?" tanong sa akin ng isa sa team ni Menalippe.

"Yes."

"Okay team, let's start." tawag naman nito sa kasamahan niya.

Habang pinapahiran ako ng make-up hindi maialis sa akin na imagine-in ang hitsura ng aking mapapangasawa.

Excited na talaga ako na makasal sa kanya.

Matapos akong ayusan ang isinunod naman sa akin ay ang pagsusuot ko ng aking wedding gown.

Mismong si Menalippe ang tumulong sa akin upang maisuot ko ng maayos ang simple ngunit eleganteng kong wedding gown.

"Perfectly fits on you. Napakaganda mo Dyanne." papuri ni Menalippe sa akin.

"Bagay na bagay saiyo ang gown lalong lumitaw ang hubog ng iyong katawan at kagandahan." dagdag papuri niya pa sa akin.

"Thank you so much Menalippe. Ikaw rin napakaganda mo, i'm sure isa ka sa mga bridesmaid ko ang hahangaan ng mga bisita." pasalamat ko sa kanya at papuri rin.

"Maiiwan na muna kita ha, check ko ang iba sa kabilang room kung okay na sila at walang naging problema sa kanilang gown." paalam ni Menalippe.

"Sure, see you later." paalam ko sa kanya.

The CEO and the FUCK BUDDYWhere stories live. Discover now