Chapter 26

5.5K 107 0
                                    

At Makati...

We have a meeting today with Menalippe Sandoval.

Siya lang naman ang isa sa mga stock holder ng company ko at kilalang pinakasikat sa larangan ng fashion designing.

Kaya heto kami ngayon sa kanyang boutique para kunin siya para sa susuotin ko sa kasal at ng buong entourage.

Habang hinihintay namin ang kanyang pagdating ay in-assist na kami ng kanyang personal secretary na si Devonne Montecarlo.

Binigyan niya kami ng latest catalogue ng kanyang lady boss para mamili ng wedding gown na aking susuotin.

Ang daming magaganda at eleganteng wedding gown na gawa ni Menalippe. Hanga talaga ako sa kanyang husay. Bukod sa nangunguna siyang Architect sa buong bansa kaliwa't kanan naman ang parangal sa kanya bilang isang international fashion designer.

Habang namimili ako ng wedding gown na susuotin paikot-ikot naman si Roah sa mannequin na nakadisplay sa close glass door sa corner nitong boutique.

"Baby kanina ka pa diyan paikot-ikot ano ba yang tinitingnan mo?" tanong kay Roah habang nakayakap sa kanyang braso.

Nang tingnan ko ito isang napakagandang lace seductive and elegant wedding gown ang nakasuot sa katawan ng mannequin.

Lumapit naman si Devonne sa akin at binuksan ang glass door upang lalo ko itong makita ng malapitan.

"Ang ganda po diba?" may paghangang tanong sa akin ni Devonne.

"Hindi lang siya maganda kundi napakaganda. Napakaswerte ang magsusuot nito. Panigurado ako it costs a millions. Napaka-generous naman ng mapapangasawa ng bride dahil bukod sa wedding gown na iyan ay isang Menalippe Sandoval pa ang kinuha nila" hangang-hanga na pamumuri ko.

"You like your wedding gown, Dyanne?" tanong ng taong nasa likod namin.

Pagharap ko, isang nakangiting Menalippe Sandoval ang bumungad sa aming harapan.

"What do you mean? It's my wedding gown? How come?" halos hindi ako makapagsalita ng maayos sa sobrang gulat nang sabihin niya sa akin iyon.

"It's really for you Dyanne. Pinakiusapan ako dati ni Roah na kung mako-confirm niya na may pagmamahal ka for him, igawa raw kita ng mamahaling wedding gown na babagay for you kesehodang ipagbili niya ang minana niya mabigyan ka lang ng maganda at eleganteng wedding gown." ngiting ibinunyag ni Menalippe ang lahat.

"Kaya kahit hindi pa man confirm noon, bilang kaibigan mo at kasosyo sa negosyo gumawa na kaagad ako ng design at inorder ang materials sa Europe." paliwanag pa nito habang niyaya na niya kaming umupo sa sofa.

"Nang itawag sa akin ni Cheska na tinanggap mo na ang proposal ni Roah hinanda ko na ito para makita mo."sabay tingin ni Menalippe sa gown na ginawa niya.

"Don't worry my dear hindi naman maibebenta ni Roah ang kanyang minana dahil wedding gift ko na saiyo iyan." sabay ngiti nito sa aming dalawa ni Roah...

"Oh thank you so much Menalippe hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." maluha-luhang pasalamat ko sa kanya.

Habang si Roah naman  ay tahimik lang na nakatingin sa amin.

"Baby... Thank you so much! I love you..." sabay halik sa kanyang labi.

"Gusto mo na bang i-fit ang gown?" tanong sa akin ni Menalippe ngunit biglang kumontra si Roah.

"No, please baby! Ayoko dahil may kasabihan ang mga matatanda sa aming probinsiya na hindi raw matutuloy ang kasal kapag sinukat mo kaagad ito." pakiusap ni Roah sa amin.

The CEO and the FUCK BUDDYWhere stories live. Discover now