Nandito kami ni Roah ngayon sa tapat ng Condominium building kung saan nakatira si Cheska. I wanna spend my last 1 week of being a single with her and and the rest to my colleague.
Napaka-supportive naman ng future husband ko kaya hinayaan niya akong kay Cheska ako matulog ngayong gabi.
Pagbukas ng elevator sabay labas naman ni Zack dito, nagulat pa ako dahil halos 'di mapakaling pusa lang ang hitsura nito.
"Zack, bro! Saan ka pupunta at parang nagmamadali ka yata?" tanong ni Roah sa kanyang kapatid.
"Nandito na pala kayo, mabuti naman at napaaga kayong pagpunta. Nagagalit sa akin si Cheska dahil kinalimutan ko raw ang patis, kaya heto nagmamadali akong makapunta ng supermarket para bilhin ang secret ingredient niya raw." malungkot na hindi mapakali ang rumirehistro sa kanyang mukha.
"Hahaha, huwag ka ng umalis Zack! Halika ka na sa itaas nabanggit na ni Cheska sa akin iyan kahapon dahil wala na raw siyang stock ng patis. Favorite pa naman niya ang patis batangas kaya heto dalawang long neck ang dinala ko para mayroon na siyang maisasangkap." mahinang tawa ko sabay tapik sa kanyang balikat.
"Oh Jesus, thank you Dyanne! You're my angel." sabay aakma sana siya ng yakap nang bigla siyang harangin ni Roah.
"Bro, thank you is enough. Off limits ang mga touchy thing pagdating sa misis ko." habang hawak ni Roah ang dalawang balikat ng kapatid.
"Grabe ka naman bro! Mapapangasawa pa lang, hindi pa asawa. May isang linggo pa para magbago isip niyang si Dyanne!" ganting pang-aasar ni Zack sa kapatid na ikinatawa ko ng malakas.
"Eh kung hindi ko kaya ibigay ang mga patis na dala namin para mabugbog ka ni Cheska, what do you think bro?" nakahanap naman ng pang-block sa kapatid...
"Wala namang ganyanan. Nakakatakot kayang magalit iyon. Nanlalamutak ng bayag! Pakiramdam ko nga kanina umurong bayag ko sa sakit pati itong anaconda ko umurong na yata." sabay kamot niya sa kanyang ulo.
Nakakatuwa lang pagmasdan ang dalawang ito. Ang laki ng pinagbago, mula sa pagiging mailap sa isa't isa ay ngayon naman daig pa ang mag-bestfriend.
Nasa tapat na kami ng pinto nang biglang bumukas ito at bumungad kay Cheska ang mukha ni Zack na may dala ng patis. Abot tainga ang ngiti ni Cheska ng makita ang bitbit ng binata ngunit sinaraduhan ito kaagad matapos makuha ang patis.
"Shit! ahh sakit naman noon honey!" sapu-sapo niya ang kanyang ilong na tumama sa pinto.
"Hahaha, daig pa ni Bestie ko ang naglilihi ah. Wait ako na nga lang bubungad." pinindot ko ang doorbell na may monitor at saka ako kumaway sa kanya.
"Bestie!" tili ni Cheska sa akin sabay yakap ng mahigpit, ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang dalawang lalaking nagtatago sa likuran ng pinto.
"Lumabas na kayo at kita ko naman kayo sa monitor kanina pa! Pasok!" anyaya ni Cheska sa amin ngunit si Zack ay nanatili pa rin nakatayo sa tapat ng pintuan.
"Honey... tara na sa loob. Sorry kung pinagsarhan kita. Nagpapabebe lang naman ako eh." sabay yakap nito sa kasintahan.
"Naku, Zack masanay ka na war freak talaga iyan bestie ko kapag walang patis na stock sa bahay niya!" ani ko sa binata na tahimik lamang. Malamang iniinda pa rin ang ilong na nasaktan.
Hanggang sa pagkain ng pananghalian ay tahimik lamang si Zack kaya naman hindi nakatiis si Roah at tinanong ang kapatid kung ano ang dahilan bakit siya nanahimik.
"Bro!" nakita ko na pinuntahan niya ito sa dining area. Nakaupo ito sa sofa at mukhang malalim ang iniisip.
----------
Roah
YOU ARE READING
The CEO and the FUCK BUDDY
General FictionRAW/UNEDITED. SOON TO REVISE. [FIN] Dyanne Santiago is the youngest CEO in the country. Falling in love with a wrong man made Dyanne change the way how she look about love. He was her first love yet he's the first man to broke her heart into pieces...