Naging maganda ang gising ko ngayong umaga dahil ang tagal na rin since the last time na nakatulog ako ng payapa at mahimbing.
With Roah beside me, nakakaramdam ako ng kapanatagan knowing na mahal na mahal ako nito. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na talaga siya ngunit mayroon pa ring pumipigil sa akin upang tuluyang ibigay sa kanya ang puso ko.
Sa ngayon makukuntento muna ako sa kung ano ang mayroon sa amin.
Maaaring para sa kanya ang turing ko ay isang fuck buddy lamang, alam ko... darating ang oras na magkakalakas na ang puso ko na umamin sa kanya at sisiguraduhin ko na mauuwi ito into a serious relationship.
Kaya bago pa ako bumangon sa aking higaan. Muli kong pinagmasdan ang kanyang mukha na payapang-payapa habang natutulog.
Kinintalan ko ito ng magaang na halik sa labi at pabulong kong sinabi na "Good morning baby, i love you..."
Dahan-dahan lamang ang aking kilos pababa ng higaan upang 'di magambala ang tulog ng binata atsaka ako tumuloy sa banyo at naligo ng mabilis.
Balak ko kasing ipagluto ng agahan ito at pananghalian.
Sa Kusina...
"Good morning Manang Filomena. Pasensya na po at 'di na namin nagawang bumaba kagabi para maghapunan. Nakatulog po kaagad kami marahil ay sa sobrang pagod." nakangiti kong bati at paumanhin sa butihing katiwala.
"Naku, pihadong gutom na gutom na kayo niyan. Halika at umupo ka muna dine at ipaghahanda muna kita ng kape. Ano ba ang gusto nyong almusalin ngayon hija?" tanong niya sa akin habang nagtitimpla ng kape para sa akin.
"Balak ko po sana Manang na ako ang magluluto ng almusalan at pananghalian. Meron po ba tayong tapang baka, itlog at kamatis para sa almusal?" tanong ko kay Manang Filomena habang hinahalo ang kapeng binigay niya sa akin.
"Kumpleto tayo hija, meron pa nga tayong itlog na maalat at iba't-ibang klase ng tuyo." sagot naman niya sa akin habang isa-isa niyang inilalabas ang mga kailangan ko.
"Si Manong Pilo mo naman ay nakapagkatay na ng dalawang manok na native at kasalukuyan ng pinalalambot gaya ng bilin mo." na ngayon ay nagsalang na ng bigas na sasaingin sa rice cooker.
Maya-maya lamang ay pumasok si Manong Pilo sa loob ng kusina hawak ang malaking clay pot. Naamoy ko na kaagad ang bango ng pinakuluang manok.
"Manong Pilo iyan na po ba iyon manok na pinakuluan po ninyo?" tanong ko sa kanya.
"Ay oo hija, dito ko niluto sa palayok dahil iyan ang gustong-gusto ni Sir Roah na sa tuwing may palalambutin siyang karne. Nalalasap kasi ang linamnam kapag sa palayok niluto." paliwanag ni Manong Pilo
"Ah ganoon po ba? Sige po Manong pakilagay na lamang po sa tabi ng Gas stove. May extra pa po ba tayong palayok para sa pininyahang manok?"
"Mayroon hija at sandali, igagayak ko. Siyanga pala nahiwa ko na ang mga sangkap ng lulutuin mo hija at kung mayroon ka pang idadagdag ay sabihin mo kaagad sa akin." bilin niya bago siya lumabas ng kusina para kumuha ng isa pang palayok.
After 45 minutes ay nakapagluto ako ng almusal at pananghalian kaya naman nagpasya akong mag-breakfast in bed na lamang kami ni Roah.
Tinulungan ako ni Manang na iakyat ang mga pagkaing inihanda namin maging ang papayang blinender at ginawang smoothie ay mukhang masarap rin.
Pagtapat namin ni Manang sa may pintuan ay nagpasalamat ako at nagprisinta na ako na lamang ang papasok.
Baka kasi mabungaran niya si Roah na 'gang sa iniwan ko ay wala pa ring saplot.
YOU ARE READING
The CEO and the FUCK BUDDY
Ficción GeneralRAW/UNEDITED. SOON TO REVISE. [FIN] Dyanne Santiago is the youngest CEO in the country. Falling in love with a wrong man made Dyanne change the way how she look about love. He was her first love yet he's the first man to broke her heart into pieces...