Nagising nalang ako ng nasa kwarto na ako, akma akong tatayo ng biglang sumakit ang ulo ko "shittt sobra ata akong nalasing kagabi, bwiset" nahiga ulit ako at kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung may message ba don yung ex ko!Hayyyy parang dati lang lagi pa kong nakaka receive sakanya ng good morning chat, ngayon? Wala na dead na.
Napikit ulit ako at napag desisyunan na matutulog nalang ulit ng biglang may kumatok sa kwarto ko.
"ma'am ella pinapahatid po ng daddy nyo yung breakfast nyo. Kumain na daw po muna kayo" pagsasalita ni yaya dasha sa labas.
"Pasok nalang po, ya. Di po yan naka lock" sagot ko.
"Oh ma'am masakit po ba ulo nyo?" tumango naman ako "Nagdala po ako ng soup saka po gatas nyo para mawala sakit ng ulo mo" aniya.
Sumandal ako sa head board ng kama ko at binigay sakin ni yaya yung pagkain ko.
"Sige po, ya. Thank you po" sabi ko. Kumakain ako ng tumunog yung messanger ko at may chat si charm don. Nagyayaya sila mag mall, alam ko namang ginagawa nila to para makalimot lang agad ako kay zack na yun eh. Pumayag nalang ako kahit tamad na tamad ako lumabas ng kwarto ko. Naligo muna ako sa sarili kong banyo dito sa kwarto bago bumaba papuntang dinning area. Naabutan ko don sila mommy at daddy na nag brebreakfast at halatang papasok na sa company namin dahil naka business attire na sila.
"Good morning my, and dy" bati ko sakanila
"Oh nandyan kana pala miss lasinggera na umuwi ng 12:30 ng madaling araw kung di lang sinundo ng kuya nya na galit na galit" bumangad ni mommy na natatawa
"Ewan ko sayo mom! Dami mong hanash" pambabara ko. Wahahaha, di naman kasi strict si mommy saka si daddy. Para lang kaming tropa kung mag usap.
"hahaha hayaan mo nalang ang anak natin Isabel collage na sya. Marunong na yan kaya hayaan mo sya magpakalunod sa alak bwahahah" pagkampi ni daddy sakin
"Yessss namannnn dyyyy! Yan gusto ko sainyo eh. Hinahayaan nyo ko ienjoy pagiging dalaga ko. Apirrr tayo jan daddy" nakipag apir naman sakin yung shushunga shunga kong daddy. Bwahahaha charot.
"Pinagsasasabi mo dyan Lucas? Kaka collage palang naman ng anak natin! First year collage palang yan. Kung sakaling di ka aware" pa bagets na sagot ni mommy.
"Mommy talaga! Walang supporn- este support hehehe" pagmamaktol ko na kyut na kyut parin. Nagtawanan lang silang dalawa bago ulit ako nagsalita "Ay mom and dad aalis nga pala ako mamaya after lunch, papasama ako kila elly bumili ng libro about article and laws, kailangan kasi namin, finals exam na namin bukas" paalam ko sakanila. Abogasya kasi ang kinuha kong course sa collage. Kasi ito ang pangarap ko nung bata pa lang ako. Samantalang si elly ay flight attendant ang kinuha. Si charm naman education, Si leila naman ay pornstar ang kinuha hahaha charotttss! Business administration at ang isa pa naming kaibigan na si ariel bakla, ang kinuha nya ay fashion designer. Pero same school lang kami, kaya magkakasama kami pag walang class.
"O, sige sige. May pera kapa ba?" tanong ni daddy. "Meron pa naman po akong pera sa atm card ko, pero mauubos na rin po maya maya lang hahaha. Kaya pa transfer nalang dad" aniya ko. At tumago naman si dad.
Pumunta muna ako dito sa garden namin na puro damo, nag iisip isip ako kung ano bang mali sakin. Maganda naman ako, matalino, sexy, masarap kausap, mabait, mapambara, mahilig mag party at higit sa lahat masarap. Bwahahah. Sa kabila pala ng katangian kong yun may mang iiwan at mang iiwan parin pala talaga sakin? Pero katulad ng sabi ko kagabi, lanakompake sa mga lalaki. Focus nalang sa pag aaral, friends at family.
.
.
.
.
Nandito na kami ng mga kaibigan ko sa mall at nag hahanap ng libro na kailangan ko at mag shoshopping na rin. Kasama ko rin si Ariel bayot yung isa pa naming kaibigan. Di sya kasama nung nag inuman kami kasi nga nandon sya sa boyfriend nya, nag jugjugan yata sila kasi may chikinini tong si Ariel bakla hahahahah daig pa kami. Ang suot ko ngayon ay spaghetti strap na kulay white at pinatungan ng denim jacket at naka ripped jeans ako at white rubber shoes. That's why I'm look gorgeous right now. Charesss haahaah.