Hayyyss di ko alam kung bakit ba abogasya ang kinuha kong course. Pahirapan ito at sobrang hirap, Pero ito talaga ang pangarap ko. Kaya 4:30 na di parin ako natutulog dahil todo review ako dito at ang nakakainis lang di ako makapag focus sa nirereview ko dahil nag eecho dito sa buong kwarto ko yung boses ni ryle na yun! Fvck ano bang nangyayari sakin? Sana lang talaga may maisagot ako bukas sa exam namin.
Kinuha ko muna yung cellphone ko para makapag fb muna ko whaahaha. Habang enjoy na enjoy ako kaka scroll sa newsfeed ko biglang lumabas yung pangalan ng damuho kong ex sa messanger at ang sabi pa nya miss na nya ako. Urur sya kahit mahal ko pa yun di na ko tanga no! Kaya rereplyan ko sya ng imissyoutoo. HAHAHAH charesss nireplyan ko naman sya ng 'miss mo ulo mo' at na seen na nya ito, tumunog ulit ang mess ko at tinignan ko message nya don na 'di ka parin nagbabago, ganyan ka parin' aba lakas naman nito! Ano kala nya? Kilalang kilala na nya ako? Bwisit to ah! 'wao ano feeling mo nyan? Malaki na betlog mo? Suck it by yourself nigga' masamang gigilin ang maganda ah? Ilamg minuto lang at nag reply nanaman sya 'grabe ka naman sakin bitter ka masyado. Kung ikaw nalang kaya mag suck nito?' ay pot- ang kapal ng mukha nyang sabihin yan ah? Sineen ko nalang sya at ini off ko na ang cellphone ko, naiinis lang ako sakanya baka pag nireplyan ko sya masabi ko nalang 'kung papa suck mo yan, tara na sa sogo' pero never in my beautiful life! Baka umasa pa yun no! Bwhahaha
Natulog muna ako kahit 2 hours lang maitutulog ko, dahil 7:30 ang pasok namin sa DLSU, malayo nga dito yung school na pinag aaralan namin ng mga kaibigan ko kaya nga nag iisip kami magkakaibigan kung dapat ba kami mag rent ng dorm malapit sa university para di kami na lalate or nagmamadali sa pag alis. Siguro magpapaalam muna ako kila mommy para sila na bahala gumastos hahaha charesss. Nag iipon naman ako no!
.
.
.
Naglalakad kami dito sa football field ng university para manood ng intrams ng mga crushes nitong si bakla todo cheer naman tong si bakla sa boyfriend nya, kasama kasi sa intrams yung bf nya kaya ayun, susupport nya daw. May pa kindat kindat pa tong si Axe kay bakla putek kadiri hahahaha."mga vul total malayo naman yung bahay natin dito sa university, bakit di tayo mag rent ng dorm para naman di tayo laging nagmamadali diba? Ano sa tingin nyo?" tanong ko sa kanila
"hmmm pwede din siguro, matagal na rin naman natin tong pinaplano diba? Mapapa approve naman natin yung magulang natin kasi they understand namn siguro." pag sang ayon ni charm.
"alright, papaalam muna tayo sa mga parents natin, meron akong nakita dyan sa tapat lang ng university natin, may isang kwarto don at may dalawang bed na malaki, share nalang kayo ni elly sa isa, tas share kami ni charm sa isa" sabi ni leila
"Ay so kayo lang?" pagtataray nitong baklang to
"baliw, syempre doon ka sa kabilang room, kahit papaano syempre lalaki ka parin no? May nag rerent daw kasi don dalawa ang bed pero sya lang mag isa, pwede ka don. Malay mo nga pogi pa maka room mo eh! Tiba tiba ka nyan" pangungunsinti ni leila
"ayy bet ko yan mamsh, para naman may magapang ako t'wing gabi rawrness" padila dila pang sabi ni ariel, halatang nasasarapan sa naiisip nya. Juskoday
"Last week ng july nalang tayo mag rent para makapag ready ng dapat natin dalhin" kibit balikat ko. Sumangayon naman sila don.
Tumingin ako sa wrist watch ko at 20 minutes nalang bago next subject namin, may exam pa naman kami kaya kailangan ko ng magpaalam. Swerte nga ng mga to! Minsan easy easy lang sila sa buhay nila.
"So mga vul una na ko? Malapit na next sub namin eh, may exam pa kami. Kita nalang ulit tayo dito sa field mamayang uwian ah?" paalam ko
"sige pumasok kana at malate kapa, bat pa kasi lawyer kinuha mong course eh" reklamo nitong elly na to
"Elly alam mo namang simula bata palang pangarap ko na to no! Sige na bye na" paalam ko habang kumakaway. Kumaway din sila at Nag thumps up pa sila at sabing 'goodluck sa exam" napangiti naman ako.