Chapter 3

7 0 0
                                    

"Kuya namannnn! Pleaseeeee payagan mo na 'ko mag dorm, di naman ako mag paparty party lang eh. Mag aaral ako ng mabuti promise" pag mamakaawa ko kay kuya.

"No, di ka pwede mag dorm. Kung ayaw mong malate, gumising ka ng maaga at ako na ang mag dadrive sayo papuntang school" sagot ni kuya.

"Kuya naman eh, parang walang tiwala. Ayoko ng nakakagulo sayo kasi alam kong may pasok ka lagi sa company natin" nakayuko kong saad.

"Okay. Let's have a deal. Bawat semester papakita mo sakin yung grade mo, kapag mababa yan uuwi ka dito sa ayaw at sa gusto mo. Pag mataas naman ang grade mo whole semester, kahit doon kana tumira, okay lang sakin" aniya

"Grabe ka naman sa doon tumira! Pero sige kuya. Deal ako dyan" ngiting ngiti kong sabi.

"Sige na makakaalis kana sa harapan ko. Pangit mo eh" aniya sabay gulo ng buhok ko.

*pout* "tsk sama mo!" sabi ko, saka umalis na para pumuntang dinning area para kumain.

Sumabay ulit ako kila daddy kumain at tinanong nila kung napapapayag ko ba si kuya at sinabi ko naman na Oo.

"Good to know, anak. Your kuya jerome is so over protective huh?" takhang tanong ni mommy.

"Oo nga, mom eh. Alam nyo malapit ko ng isipin na wala siyang tiwala sakin" sabi ko sakanila.

"Sml?" walang kwentang tanong ni mommy, kaya ikinatawa ito ni daddy.

"luh my! Kala mo talaga bagets! Gigil mo ko ha?" kainis tong si mama, ginawa pa kong barahin! Seryoso seryoso ko pa naman.

Natapos na ako kumain saka naligo kaya nag ayos na rin ako ng gamit ko.
Nagpahatid na ko sa driver namin papuntang university para sabihan na yung mga kaibigan ko na pinayagan na ko.
.
.
.

"Oo bhe! Nakakainis pa nga si kuya eh, kasi todo tutol sya sa pag alis ko" kwento ko.

"Buti pa ko walang kahirap hirap na nagpaalam" ani elly

"haha kawawang ella, laging tiklop sa kuya nya" pang asar ni leila

"Sus napapayag ko naman sya eh. May deal kami kailangan daw makapasa ako this semester saka mataas grade ko. Basic lang yun" pag yayabang ko

"hahaha hirap talaga initindihin ng kuya mo! Daig pa si tito. Try ko kaya gapangin yang kuya mo? Para matahimik" sabi ni ariel

"hahahaha gagi ka. Kung yun gusto mo! Go lang whahaha" tawang tawa kong saad

Nagtawanan naman sila sa kagaguhan ni ariel. Plano nya talagang gapangin ang kuya ko. Nagpaalam muna ako sakanila na papasok na sa room kasi iaanounce na kung sino yung naka pasa sa exam.

Naglalakad na ko sa hallway ng nakita ko nanaman si bruha na insecure sakin. Tinignan ko lang sya ng bigla syang ngumisi na parang may ginawang kalokohan. Syempre bago niya ko matarayan inunahan ko na sya.

Nandito na ko sa room at hinihintay nalang yung prof namin na dumating. Nakikipag usap muna ako sa friends ko dito sa room ng mga kalibugan kaya tuwang tuwa ako. Kapag kasi gantong usapan lagi akong interesado. Ang saya kasi eh! Ba't ba? Hahaha

Tumahimik lang kami ng dumating na ang prof namin.

"Okay class, ngayon ko na iaanounce yung mga pumasa sa finals exam natin kahapon. Congrats sa mga pumasa at better luck next time sa hindi. Here are the list of the exam.

Kinig na kinig ako kay ma'am habang binabanggit nya yung mga list ng mga pumasa sa finals. Di ako nawawalang ng pag asa kaya nakikinig parin ako. Yung iba ko kasing classmate halatang tanggap na tanggap na dahil di na sila nakikinig at yung iba  nag simula ng umiyak. Natapos na si ma'am sa pag announce ng pumasa at wala man lang binangit doon na pangalan ko. Kaya natulala ako at naramdaman kong unti unti ng lumalandas yung luha ko sa pisngi ko.

I love this kind of pain- [On Going]Where stories live. Discover now