10:30 na ng umaga at wala pa rin akong balak tumayo. Natatamad akong kumilos ngayon, at nag aalala din ako dahil alam na ni Elly ang nararamdaman ko kay Ryle, for sure si Charm alam nya na rin.
"Hoy, Ella bumangon ka na nga diyan. Hindi ka pa nag bebreakfast ah?" sabi ni Elly na parang normal lang.
"Wala akong gana ngayon, Elly. Mauna na muna kayo doon. Hindi pa ko gutom" sagot ko.
"Tigilan mo ko! Pizza lang kinain mo kahapon kaya alam kong gutom ka" aniya habang hinihila kamay ko para tumayo.
Umupo naman ako at sumandal sa head board nitong kama namin. Sabihin ko na kaya sakanila yung totoo kong nararamdaman? Wala namang mawawala dahil for sure mapagkakatiwalaan ko sila.
"Uhm guys... Let's talk naman" umpisa ko.
Bigla naman silang napabalikwas at umupo agad sa dulo ng kama at handa na para makinig.
"Sure. Ano yun?" tanong ni Leila.
"Let's talk about my feelings for Ryle" sabi ko.
Hindi naman nagulat sila Elly saka si Charm. Si Leila lang ang nagulat sa sinabi ko kaya tumabi sya sa kabilang side ko.
"ANO?! MAY FEELINGS KA KAY RYLE? SERYOSO?" aniya kaya mabilis kong tinakpan yung bibig nya dahil ang baho ng hininga nya. Charesss hahaha. Masyado kasing napalakas yung boses nya.
"Shhhh Leila wag kang masyadong maingay" saway ni Charm.
"In the 3 weeks we've been with Ryle. I know that I'm fucking inlove with him, but I'm trying to get rid of my feelings, because in the eyes of Ryle, I'm just nothing." simula ko.
"No, Ella. Hindi ganyan ang tingin sayo ni Ryle. Kaibigan ang tingin nya sayo" sagot ni Charm.
"Yeah. Friends. And fuck that friends!" sagot ko.
"Ano ka ba, Ella? 1 month palang simula nung nagkakilala kayo, kaya malamang yun lang ang maibibigay nya sayo" Sabi ni Leila.
"I know. Pero alam kong hindi pa rin sapat"sagot ko.
"Dahan dahanin mo lang, Ella. Dahan dahanin mo lang ang pagkahulog mo kay Ryle. Kasi you know? Kung di nya yun masuklian, masasaktan ka ng sobra." Ani Elly.
"I'll try, Elly" sagot ko. Natahimik naman sila pagkatapos ko yun sabihin kaya nagsalita ulit ako.
"Uhmm, guys. Pwede bang wag muna natin sabihin ito kay bakla?" wika ko.
"Why? Kaibigan naman natin si Ariel" takhang tanong ni Elly.
"I know. Pero diba? Magkasama lang sila sa iisang kwarto, at alam ko na once na sinabi natin ito sakanya, di nya mapipigilan na hindi ito sabihin kay Ryle." sagot ko.
"Okay then. Hayaan nalang natin na mahalata ka nya" sabi ni Charm saka tumalikod na.
.
.
.Natapos na ako maligo at pababa na kami para mag lunch. Kinakabahan ako dahol for sure nandoon si Ryle. Napatingin naman ako sa nagsalita na si Leila sa gilid ko.
"Ella. Just act normal, okay? You're too obvious" she said while rolling her eyes.
"Tsss." sagot ko.
Nakarating na kami kami sa dinning Area at nakita ko na nga doon si Ryle. Bigla nanamang bumilis tibok ng puso ko.
"Good Afternoon, guys" bati ni Ryle.
Binati rin naman sya pabalik ng mga kaibigan ko, tumingin naman sya sakin kaya nginitian ko lang sya.
Alam kong masyadong mabilis tong nararamdaman ko kay Ryle. Bwisit din kasi tong si Ryle eh, makapag bawal sakin akala mo jowa! Napaka over protective sakin, FRIENDS lang naman turing sakin. Tss.