Chapter 9

10 0 0
                                    

Pumasok ako sa kwarto namin ng nakatulala, nakita ko naman doon na naghaharutan yung mga kaibigan ko, at natigilan lang sila ng makita akong pumasok.

"Hi" I smiled at them. Nakatingin lang sila sakin, kabisado na ako ng mga kaibigan ko kung may problema ba ako o wala. At sa kaso ko ngayon, mukhang alam na nila.

Lumapit sila sakin bago nagsalita si Charm "Are you okay?" may pag aalala nyang tanong.

"Yes" Ayokong sabihin sakanila ito, pero mukhang alam na nila itong nararamdaman ko.

"Tell us your problem, Ella" Ani Elly, nakatingin lang naman sakin si Leila at nag aantay ng pag kwento ko.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "I went to his room just to review right?" umpisa ko kaya tumango naman sila "When we finished reviewing I invited him to play rock paper scissor. If I won he would tell the truth about himself, and if he won I would tell the truth about myself." I sighed

"Then?" ani Leila.

"Then he confessed his feelings, that he still love his last ex" ani ko ng pabulong.

"Sino ba ex nya?" tanong ni Charm.

"I didn't know, Guys" sagot ko.

"You should confess too" sabi ni Elly.

"Confess about, Elly?" tanong ko.

"That you're inlove with him" aniya.

"No, Elly. Ayoko muna mag confess sakanya ng feelings ko gayong nalaman ko na mahal nya parin yung ex nya"  I said.

"So what's your plan now?" tanong ni leila.

"Walang plan na magaganap, hahayaan ko lang ang sarili ko na mahalin sya. So what kung di nya yun masuklian? Hindi ko siya mapipilit sa ganon"

"Tama si Ella guys. We should focus to our studies, instead" ani Charm.

"Yahhh right" sagot ni Elly.

Natahimik kami saglit bago nagsalita si Leila.

"So mamayang 5:00 ah? Maghanda na kayo pupunta na tayong FOAM PARTYYYYY. Dahil sa lunes aral nanaman aatupagin natin" pag iiba ng topic ni Leila.

Nagpalakpakan naman sila. Oo nga pala at friday na. Magiging busy nanaman kami kaya siguro naman makakalimutan ko rin itong feelings na to.

Naligo muna kami bago bumaba para kumain ng tanghalian, ayaw ko nga sana'ng bumaba kasi nandoon si Ryle, pero di naman habang buhay maiiwasan ko yun eh. Makulit din kasi.

Bumaba na kami at nakita kong yung ibang tao palang yung nandoon, nag aayos pa siguro sila Ariel.

Pagkaupo ko ay yun naman ang pagdating nila Ariel saka Ryle. Umupo sa kaliwang side ko si Ariel, at sa harap ko naman si Ryle. Nag ngitian lamang kami at nagsimula ng kumain.

"Mga bakla tuloy ba yung foam party mamaya?" tanong ni Ariel.

"Yess naman. Mamayang 5:00 tayo aalis, pag nalate ka bahala kana" sabi ni Leila. Si leila talaga yung pinaka game sa mga party na yan eh.

"Okay. Ikaw Ryle di ka ba talaga sasama? Isang beses lang to, sa lunes pasukan na ulit" sabi ni Ariel. Nagtinginan naman sila sakin nagkibit balikat lang ako at tinaasan sila ng kilay.

"Gusto ko nga sana kaso marami talaga akong gagawin ngayon eh" aniya.

"Ayy sige" sagot ni Ariel.

"Ingat nalang kayo, wag kayo masyadong maglasing" paalala nya.

"Yes boss. Si Ella ang dapat mong paalalahanan ng ganyan" Sabi ni Elly. Kinurot ko naman siya sa ilalim ng lamesa kaya napahagikgik sya.

"Huh? Bakit si Ella? Mahilig ba siya sa Alak?" tanong ni Ryle kaya pinukol nya ko ng masamang tingin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I love this kind of pain- [On Going]Where stories live. Discover now