Naging normal lang ang pamumuhay ko dito sa dorm. 3 weeks na rin simula nung tumira kami dito, at next week na ang pasok namin. Kaya mamayang hapon sabay sabay na kami bibili ng gamit sa school saka libro. Pinapadalhan nalang ako dito nila daddy ng cash para pang gastos ko. Ambagan kaming girls sa bayad dito sa dorm.
Sa 3 weeks na nag stay kami rito. Naging close ko na rin si Ryle. Madalas ko syang ka kwentuhan about ex! Kasi sabi nya ilabas ko lang daw lahat ng hinanakit ko para makalimot ako. Effective naman sya dahil di ko na mahal si Zack. Pero pag ako naman nagtatanong tungkol sa ex nya or lovelife nya, nag chachange topic naman sya. Kaya di ko nalang pinapansin pag iiba ng topic nya kasi baka kailangan nya ng privacy! Kaya okay lang sakin.
Minsan nga natatanong nila Elly kung may something daw ba samin ni Ryle. Sinasabi ko naman na wala. Kasi sabi nga ni Ryle. FRIENDS daw kami. Kaya yun nalang din tingin ko sakanya. FRIENDS.
"Tara na baba na tayo kakain pa tayo" pag aaya ni leila.
Ayoko sana bumaba para kumain kasi nga diet ako. Pero si daddy binilinan pala si tita Cynthia na dapat kumakain ako ng 3 beses sa isang araw. Kaya wala akong kawala.
Nakahanda na ang pagkain sa mahabang mesa at nandon na rin yung ibang nag rerent ng dorm saka si Ryle. Nginitian ko lang sya saka tumabi sakanya. Close na nga kasi kami diba? Walang malisya, okay? Haha.
"Good afternoon, Ella" bati ni Ryle.
"Good aftie rin" bati ko pabalik.
Nakiepal naman itong si si charm sa batian namin ni Ryle.
"So si Ella lang talaga babatiin mo?" kunwareng nagtatampo na tanong ni Charm.
"Hahaha good afternoon guys" sarcastic na wika ni Ryle.
"hahahaha napilitan lang ah?" ani Elly. Tumawa naman itong si Ryle. Close na talaga kami kahit 3 weeks palang kami nagkakasama.
Marami na rin akong nagiging close dito sa dorm. Mapalalaki saka babae close ko na. Hindi naman sila mahirap pakitunguhan kaya keri lang!
Bigla namang lumipat ng upuan itong si Kobi na sobrang clingy sakin. Ewan ko ba dito, lagi nalang lapit ng lapit sakin.
"Hi Ella. Kamusta?" tanong ni kobi.
"Okay lang naman, kobi. Ikaw?" tanong ko.
"Eto. Nahulog na sayo ng sobra" aniya na may pahawak hawak pa sa dibdib nya.
Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si Ryle "Hoy kobi. Kumain ka nalang ng kumain dyan. Bata bata mo banat ka ng banat" ani Ryle, nag pout nalang itong si Kobi. Grade 12 lang kasi itong si kobi at sa DLSU din sya nag aaral.
"Ikaw talaga kobi! Dami mong hanash" ani ko.
Natahimik nalang kami saka kumain. Lagi naman ganyan si Kobi sakin kaya nasasanay na rin ako, at laging ganon si Ryle kay Kobi. Lagi nya itong binabasag sa trip nya kapag bumabanat sakin itong si Kobi. Ewan ko ba! Pero pag sinasaway nya si Kobi sa pagbanat sakin, bumibilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko nalamang ito pinapansin.
Natapos na kami kumain kaya nagpahinga muna kami bago umakyat sa kwarto namin.
"Ryle, sasama ka ba samin mamaya? Mamimili kasi kami ng gamit eh" sabi ni Elly.
"Sige. Sasabay na ako sainyo. Para wala na tayong pagkakaabalahan next week" wika ni Ryle.
"Okay then. Tawagin ko nalang kayo ni Ariel pag aalis na tayo" Sabi ni Leila.
Umakyat na kami sa kwarto namin saka naligo na kami para mamayang 2:00 aalis na kami. Hinanda ko na ang susuotin ko habang naliligo pa si Charm. Kinuha ko yung ripped jeans ko saka tube top and denim jacket, saka rubber shoes na itim.
.
.
.