Nang matapos namin yung kanta nagkatinginan kami ni Jenier. Tapos tumango sya saken. At alam ko na yung ibig nyang sabihin sa tagal na naming magkakila alam na namin ang gustong sabihin ng isa't isa kahit sa isang tango lang. alam ko na ang balak nya in..........
"One, two, three. Takboooooooooo!!!" sabay naming sabi at hinila na nya ang kamay ko. Hahaha sabi sainyo eh. Nakakahiya nga naman kase yung ginawa namen. Hahaha masyado naming dinama yung kanta.
Nag lalakad kami ngayon papuntang parking lot. Medyo nahihiya ako kay Jenier, kase naman eh bat ganon sya makatingin saken kanina. Napapraning tuloy ako.
"Uyy chubsy sakay na. Hahaha ano ba iniisip mo ah?" sabi ni Jenier na nakapag pagising ng diwa ko. Leche naman oh kung anu-ano kase iniisip ko eh.
"A-ah wala napagod lang siguro. Haha tara na?" sagot ko sakanya saka na sumakay sa kotse nya.
Nakasakay na din si Jenier sa kotse ini'start na nya ito saka na pinaandar.
"Ah munchy? Malapit na yung pasok naten 2 weeks na lang oh. Di ka ba kinakabahan? Ako kase kinakabahan eh. Kase panibagong classmates nanaman. Aish. Nakakabakla naman to oh. Hahaha" sinusubukan ko lang alisin yung awkwardness na nafi'feel ko.
"Tch. Wag ka ngang kabahan Reirei dimo bagay. Nawawala pagka macho mo. Hahaha ikaw talaga sa mga ganitong bagay lumalabas pagka babae mo. Saka lagi lang naman ako sa tabi mo diba? Kaya wag ka na kabahan ok? Fight lang brad! Hahaha" saka nya ginulo ang buhok ko. Kahit papano napanatag ako saka nawawala na yung kapraningan ko. Hahaha
"Oo na sige na. Di nako kakabahan. Hahaha Thanks Jenier. The best ka talaga bestfriend!!" haay buti na lang laging nasa tabi ko ang bestfriend kong payatot na to para palakasin loob ko. Kahit naman kase may pagka macho ako nagiging malambot pa din ako sa ibang bagay. Syempre babae pa rin naman ako no?! Kilos lalake lang. Hahaha.
After a minute nakarating na kame sa mansyon. Bumaba nako di na daw papasok si Jenier oras na din daw naman eh. Baka hinahanap na daw sya ni tita. Pumasok na ko sa loob at nakita ko si Darell sa sala nakaupo sya sa couch. Paakyat nako ng hagdan nang bigla syang nagsalita.
"San ka galing? Bat ginabi ka? Diba sabi ko kung aalis kayo ni Lorenz wag kang mag papagabi?" hanlaa paktay ako nito. Di na kasi namin namalayan ni Jenier ang oras eh. Lumapit ako sakanya saka sya niyakap para naman di ako masyadong mapagalitan. Hahahaha (^_____^)
"Sorry na handsome brother nagpaalam naman ako kay Dayne eh. Pumayag naman sya. Diba sya naman pinaka matanda dito. Sorry na di na mauulit. Promise next time kung gagabihin man ako sasabihan na kita. Wag kana magalit ha? I love you kuya!" saka ko sya kiniss sa cheeks nya ayan naglalambing tuloy ako. Tch. Nakakasuka naman to. So gay. Hahahaha
"Tch. Oo na may magagawa pa ba ko? Sige na akyat ka na saka mag bihis ang baho mo! Sige na ali- ARAAAAY!!" loko to matapos kong sabihan ng gwapo lalaitin lang ako. Binatukan ko nga sya. Saka na ko tumakbo paakyat. Hahaha
Napagod talaga ko dami ko din nagawa ngayong araw eh. Hahaha pumunta ako sa may couch ng kwarto ko saka ko kinuha yung mga pinamili namen. Grabe sampung paper bag pala to. Akala ko nine lang.
Binuksan ko na lahat ng paper bag saka na nilagay sa walk in closet ko. Isang paper bag nalang natitira pero parang di naman akin to wala akong natatandaan na may binili akong ganito. Tch. Binuksan ko na lang yon saka tinignan ang laman.
(O_________O)
Hanlaaaa bat may ganito dito????
============
A/N: Sa tingin nyo ano kayang laman ng paper bag? Hahaha isip kayo comment nyo kung ano ang hula nyo.
Please vote and comment.
Follow me on twitter @anjelcee.