Elle POV
Ano to??!! (O______O)
Bat may ganito dito?? Kinalkal ko pa yung laman ng paper bag. Then nakakita ako ng isang letter. May letter??
-Reirei Pogay :)-
Oh brad musta? Haha joke. Wag kana magtaka kung bakit may DRESS NA PINK jan. Hoho :D I bought that dress for you. Nakita kasi kita kanina tinitignan mo yan na parang gusto mong bilhin kaso nahihiya ka saken. Hahaha. uyyyy babae na siya. :D Yan na yung pasalubong ko sayo saka yung isa pang t-shirt from tagaytay. Sana nagustuhan mo. Saranghae buingg. <3
P.S. hindi mo kailangan suotin agad yung dress pag may okasyon pwede mo yon isuot Daniella!! Ay Danielle pala. Hahaha :D
-Lorenz :)
Bwisit kang Jenier ka!!! Pano nya nalaman na gusto ko nga yung dress na yon?! Kese nemen eng gende neng design eh. Haha nubayan nakakabading na! Amputcha! Basta gwapo parin naman ako maganda lang talaga yung design ng dress. Hahaha :D
*phone beeps*
From: Munchy Gwapito.
Hi Chubsy! :P Have you seen my pasalubong for you? Haha Nagustuhan mo ba?
Lokong lalaking to! Mang aasar pa eh! Oo na mejo nagustuhan ko. Hahaha ayoko kasing nakakakita si Jenier ng mga gamit kong pambabae aasarin nya lang ako ng sobra. Mas lalong ayokong nahahalata nya na nagugustuhan ko yung isang bagay na pambabae kase for sure bibilhin nya yon para saken. Kaya nga lagi syang may pang asar sakin eh. Aish! Bwisiiiit!!
----
Lorenz POV.
Annyeong! :) sawakas nagka'POV na din ako. Hahaha lagi na lang si Anrei eh nakakasawa. Hahaha joke lang poging author peace (^___^)V by the way ako nga po pala si Lorenz Jenier Gutierrez Lee half Korean and half Filipino pareho kame ni Anrei kaya naging mag bestfriend kame dahil sa mga parents namin saka bata pa lang kame magkalaro na kame kasama namin yung mga kuya nya. May kapatid akong babae mas matanda sya saken si Louise Jermaine Lee close kame? Oo sobraa! Haha minsan nga napagkakamalan kameng mag syota eh. Basta di na ko masyadong mag ku'kwento ng buhay ko. Malalaman nyo naman kung babasahin nyo to hanggang huli. Alam ko susuportahan nyo to hanggang sa matapos ni author. (SANA)
Nga pala binili ko ng dress si Anrei kase kaninang nasa mall kame nakita ko sya nakatitig lang dun sa dress at alam kong nagustuhan nya yon. Ikaw ba naman 16 years mo ng nakakasama ang tao di mo pa ba sya makakabisado diba?
*Flashback*
Nandito kami ngayon sa isang branded shop pumipili ako ng damit kasama ko si Anrei napansin kong kanina pa niya pinagmamasdan yung Pink na Dress. At alam kong gusto nya yon kase pag may gusto si Anrei di na nya aalisin ang tingin nya sa bagay na yon. Hahaha nahihiya lang yan saken kaya di nya kinukuha. Nilapitan ko yung isa sa mga sales lady.
"Excuse me, Miss nakikita mo ba yung babaeng yon? Yung dress na tinititigan at hinahawakan nya ngayon kuha mo ko ng isa. Bibilhin ko. Paki balot na din kasama to salamat." utos ko sa sales lady.
"Ah yung kulay pink po Sir? Sure sige po sandali lang po." paalam ng sales lady saken.
Naghiram ako ng pen at ng memo mag lalagay ako ng note para kay Anrei. Ipapasok ko nalang sa paper bag para di halata.
![](https://img.wattpad.com/cover/23461917-288-k689881.jpg)