Kumalat sa buong Tamara University ang ingay ng bell, hudyat na oras na para magsi-uwian ang mga estudyante. Kasabay naman nito ang bahagyang hiyawan at pagtayo ng aking mga kaklase bitbit-bitbit ang kaniya-kaniyang bag. Inayos ko rin ng bahagya ang aking sarili at ang mga gamit ko sa aking bag. Inantay ko munang lumisan ang aking ibang kaklase bago ako lumabas ng room namin.Nanlaki ang aking mga mata nang madatnan ko si Dreg at Couv sa tapat ng aking silid-aralan. Bahagya silang nakasandal sa pader ng katapat ng room namin at mga nakapamulsa ang kanilang mga kamay.
Ano namang ginagawa nila dito?
"Hi Sheina!" Masiglang bati sa akin ni Dreg. Wala si Shoare, siguro nauna na iyon sa office ni kuya.
"Mm." Ngiti ko sa kaniya.
"Anong ginagawa niyo dito?" Dagdag kong tanong sa kanila.
"Sinusundo ka." Tugon ni Couv na siyang kinakunot ng aking noo.
Sinusundo?
"Sabi nga namin sayo we've missed you." Napatayo naman sa pagkakasandal si Dreg.
Seryoso talaga sila d'on?
"Hindi valid ang rason niyo." Saad ko sa kanila.
"What? Hindi ba pwedeng sinusundo ka lang namin?" Kumento ni Couv.
"Does Shoare know about this?" Tanong ko sa dalawa. Umiling lang ang mga ito.
"You need friends, Sheina. Walang patutunguhan yang pangbabakod sayo ni Shoare." Pahayag naman ni Dreg.
"So you're calling yourselves as my friends?" Bahagyang turo ko pa sa kanila at sa sarili ko.
"Even though, you guys are really not my friends." Dugtong ko.
"You're not seeing us as your friends? Ang sakit ah." Tumawa naman ng kaunti si Dreg.
"Nakakapang-durog ng puso." At umakto pa si Couv na para bang ang laki-laki ng problema niya.
Do I need to laugh?
"You're Shoare's friends, not mine. Kaya we're not friends. Mauuna na ako." Akmang aalis na ako sa harapan nila nang may humawak sa aking pulso. Napalingon ako kay Dreg.
"Vandreg Mendoval."
"Couver Mendoval."
"Should I also say my name?"
"Hindi na kailangan. This cousins will be your friends from now on." Turo ni Couv sa kanilang dalawa.
Do I really need them?
"Do what ever you want Mendovals. I need to go." Pagpumiglas ko sa kamay ni Dreg. Naglakad nalang ako palayo sa kanila ng hindi sila nililingunan.
Do I really need them? Okay na ako sa buhay kong ang mga kapatid ko lang ang aking nga kaibigan. May mali ba doon? Since I was a kid, ayaw na ayaw ni Shoare na nakikipagkaibigan ako sa iba, especially boys. I don't even know why, he's so protective about that. Lagi niyang sinasabi na si kuya Shiro, siya at si Shallow ay sapat na para mapasaya ako. I don't need friends na raw. Pero siya meron, psh.
I live in the world na sila lang ang nakikita ng mga mata ko. Nabubuhay ako na sila at sila lang mga nakakasama ko. Sinanay nila ako na ituon ang aking mga paningin sa aking mga kapatid lamang. So that I can't be easily believe or trust on someone na hindi ko naman gaano ka kilala.
Nang makalabas ako ng Tamara University ay naisip kong tumungo sa isang Café na malapit lang rito. Masyado lang itong malapit kaya hindi na kailangan sumakay. I decided to walk kahit na bahagyang tumitirik pa ang araw. It's not that hot kaya naisipan kong maglakad and hindi naman ako madaling tablan ng UV rays.
YOU ARE READING
Cuestavo Boys [On Going]
Teen FictionBoys? They're noisy. They're jerks. They're assholes. Madalas gago. Madalas nakakaputang-ina. Karamihan gwapo. Minsan gentleman. Madaming katangian ang mga lalake, it's either negative or positive. Boys are one of a kind, they must be treasured too...