Nanghina ang katawan ko nang makaramdam ako ng mainit na tubig mula sa shower. Dali-dali at sunod-sunod itong dumadampi sa aking katawan, mula ulo hanggang paa.It's so refreshing.
After the long tiring day yesterday, may pasok na agad kami. Buti nalang at hindi traffic kahapon pauwi dito sa Castañeda, kundi mahihirapan talaga ako magising ng maaga ngayon.
Nilinis ko ang aking katawan, sinabunan ang dapat sabunan, nilinis ang aking buhok at nagpunas na ng matapos akong maligo. Ginawa ko ang aking daily routine, yeah, skin care at tumungo ako sa harap ng aking closet.
What should I wear this time?
Inabot ko ang isang plain gray oversized shirt, leggings and a pair of rubber shoes. Ito naman lagi ang aking mga isinusuot. Kumilos na ako ng mabilisan, got my bag, phone and wallet at tumungo na sa kusina para kumain ng almusal. Tumambad naman sa akin roon ang tatlo kong kapatid na nakahanda narin.
"Maupo at kumain ka na, Sheina." Maawtoridad na utos sa akin ni kuya Shiro kaya walang alinlangan ko itong sinunod. Napasulyap naman ako kay Shallow habang kumakain.
"Shallow, ang dungis mo. Wipe your mouth." Utos ko rito.
"Yes ate!" Masigla niyang tugon at pinunasan agad ang kaniyang bibig bago kumain muli. Napangiti naman ako.
Patuloy naman akong kumain. Halos tunog lang ng mga plato at kubyertos ang nangingibabaw sa hapag-kainan na ito. Wala ni-isang mag tangkang mag salita dahil busy ito sa kaniya-kaniyang pagkain.
Ganito nalang ba kada umaga?
"Ehem." Tikhim ni kuya Shiro kaya agad kaming napalingon sa kaniya.
"Hindi ko kayo maisasabay, twins. Maaga ang meeting ko. Si Shallow lang ang kakayanin ng oras ko," dagdag nito at pinagisa ang kaniyang mga kamay sa ibabaw ng lamesa.
"Shoare." Tawan niya sa kakambal ko.
"Yes, kuya?"
"Use your car."
"Opo, kuya."
"Sheina," nagitla ako ng ako ng kaunti at nilingon si kuya Shiro.
"Po?"
"Paalalahanin mo kay Shoare na magdrive ng maingat." Kita ko namang ang pag ikot ng mata ni Shoare kaya saglit akong napangiti.
"Opo."
"Shallow."
"Yes po, kuya?" Masigla nitong sambit habang madungis na naman ang kaniyang bibig.
"Eat faster, at ihahatid na kita sa school mo. Don't forget to wipe your mouth." Turo nito sa bibig ni Shallow, sinuklian naman niyo ng isang masiglang ngiti si kuya Shiro.
"Yes po!"
"I'll be waiting for you Shallow. Mauuna na ako." Tumayo na si kuya saka siya lumisan ng kusina ng wala man lang binibitiwang isang salita.
Ganito lagi ang atmosphere kapag kami ang magkakasama. Hindi namin lagi nakakasama si kuya Shiro, laging naiiwan lamang ay kaming tatlo kaya hindi nakakapagtaka na mas close kami sa isa't-isa.
"Hurry up, Shallow. Nagiintay si kuya sa labas." Saad ni Shoare kay Shallow dahil mas lalong binagalan lang nito ang pagkain.
"Ayokong mag pahatid kay kuya kapag wala kayo! He's so sungit!" I chuckled.
"Kuya will get mad, Shallow."
"So what? Ayoko parin!"
"Shallow." Bakas sa boses ni Shoare ang pagkamaawtoridad.
YOU ARE READING
Cuestavo Boys [On Going]
Teen FictionBoys? They're noisy. They're jerks. They're assholes. Madalas gago. Madalas nakakaputang-ina. Karamihan gwapo. Minsan gentleman. Madaming katangian ang mga lalake, it's either negative or positive. Boys are one of a kind, they must be treasured too...