Ika-sampu

26 0 0
                                    



"No, hindi mo kami iiwan." Mariing sambit sa akin ni Lox.

"Dito ka lang, hindi ka a-attend ng last subject mo." Madiing saad sa akin ni Luca. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko, hindi dahil sa kilig dahil sa inis.

"What?! Hindi iyon pwede!" Iyamot ko sa kanila.

"Ang sabi ni Mr. Revilla ay samahan mo kami, so it means na hindi ka papasok sa last subject mo." Katuwiran sa akin ni Lourd. Umismid naman ako ng kaunti saka ko siya inirapan.

"Hindi iyon pwede, why don't you let me go na kasi?!" Inis ko sambit sa kanila. Sinimulan na nilang ligpitin ang mga kalat namin—I mean, nila. Sila lang naman kasi ang kumain ng marami hindi ako.

Halos hindi ko nga maubos ang pagkaing pinapakain nila sa akin, ibinigay ko lamang yung iba kay Lox. Yung shake lang ata yung naubos ko ng buong-buo. Yeah, you know, diet. Kailangan ng healthy na katawan.

"Why would we let you go?" Nakangising tanong sa akin ni Leav. Kasalukuyan naman silang nakapalibot sa akin kaya wala talaga akong takas sa mga punggok na ito.

"Oh c'mon! Estudyante parin ako!" Iritado ko paring sambit sa kaniya.

"So what? Kailangan mo parin kami samahan." Pagmamatigas ni Lox.

"Whether you like it or not, dito ka lang." mariing sambit rin ni Lago.

"Utos ito ni Mr. Revilla, baka gusto mong isumbong kita?" Pagtaas ng kilay ni Lucky sa akin.

"Wow, close kayo?" Sarkastiko kong saad sa kaniya. Napa-tawa naman ng kaunti ang iba.

"Basta, dito ka lang." pagpupumilit parin ni Lucky. Napabuntong hininga ako, at inirapan sila isa-isa. Bakit ganito? Hindi naman ako preso, bakit parang kinukulong nila ako? Like, oh God!

Isinukbit ko ang bagpack ko sa aking mga balikat saka ako tumayo. Sa akin naman natuon ang kanilang mga atensyon gamit ang kanilang mga nanlilisik na mata. Tinaasan ko lamang sila ng kilay.

Ano na naman ba?

"Where are you going?" Tanong ni Luther sa akin, hindi ko naman ito pinansin.

"Sabing dito ka lang," at hinawakan ni Lox ang braso ko pero agad ko itong hinawi at pinaglisikan sila ng mata.

"Sa CR, 'wag niyong sabihin sa akin na sasama pa kayo?" Pagtataray ko sa kanila.

"Why not diba?" Ngisi sa akin ni Luca, sinamaan ko naman siyang tingin na siyang mas lalo niyang kina-ngisi.

"Tigilan mo ako, Luca." Pag-iirap ko sa kaniya. Hinayaan nila akong dumaan sa gilid para maka-alis sa table na iyon. Pangiti-ngiti pa sila ng maloko habang tinitignan ko sila, inirapan ko nalang sila at patuloy na nag lakad. Rinig ko ang mga tawa nila habang palabas ako ng garden.

Such a psychos tch.

Actually hindi naman talaga ako mag c-CR. Ayaw ko lang talaga sila sa kanila, alam niyo iyon? Para akong sinasaniban ng demonyo kapag kasama ko sila, para akong nagiging bulkang Mayon kapag kasama ko sila, like the hell?! Hindi ko alam kung saan nang gagaling ang inis at banas ko sa kanila. Saan ko ba hinuhugot ko 'yun? Jusko!

Cuestavo Boys [On Going]Where stories live. Discover now