Ika-walo

33 1 1
                                    



"Shallow, did you bring an extra clothes?" Tanong ni kuya Shiro kay Shallow na kasalukuyang naka kandong sa akin.

"Yap." Sagot nito na may ngiti sa kaniyang labi. Ipapasyal kasi ni Lolo si Shallow after ng classes niya.

"Huwag mong bibigyan ng sakit sa ulo si Lolo." Pagpapa-alala ni kuya kay Shallow. Bumalik naman muli ang atensyon ni kuya sa daan na kasalukuyan niyang dinadaanan.

"Si kuya Shoare lang naman ang nagbibigay ng sakit ng ulo kay Lolo." Sagot nito at ngumuso. Agad namang napalingon si Shoare sa amin.

"What the fuck did you say?!" Iyamot agad ni Shoare, agad ko namang tinakpan ang tenga ng bata. Jusko!

"Dahan-dahan Shoare, may bata dito." Pag-papa-alala ko sa kaniya. Inismiran lang ako nito saka inirapan.

"Watch your language Shoare, kasama niyo ako." Saad sa kaniya ni kuya habang nag d-drive ito.

"Kaya laging sumasakit ulo ni Lolo kay kuya Shoare, he's bad." Sambit sa kaniya ni Shallow na siyang kinatawa ng kaunti ni kuya Shiro.

"You know what Shallow, girls loves bad boys. Kung gusto mo magkaroon ng babae ay dapat na gayahin mo ako—"

"Shut up Shoare, 'wag mong igaya sa iyo si Shallow." Pagputol ko sa kaniya. Kaya kung ano-ano natututunan ni Shallow sa kakambal kong ito.

"Girls loves me, I'm about to dump two girls later." Pahayag ni Shallow na siyang kina-bilog ng aking mga mata.

Oh God!

"That's my boy—"

"Shallow!" Saway ko sa bata. Tinignan niya lang ako ng may malaking ngisi sa kaniyang labi.

"Kidding. Sabi ni ate 'wag ko nalang daw pansinin." Nakahinga ako ng maluwag ng bawiin niya ang kaniyang sinabi. Hindi ako makakapayag na maging bad boy si Shallow, hindi siya pwede sumunod sa yabag ni Shoare. It's a big no!

"No, don't mind your ate. Dump those girls, and find beautiful girls, baby." Pagtuturo niya sa bata.

Damn you, Shoare.

"Sabi ni ate, sa kaniya lang daw muna ako." Sambit ni Shallow.

"Noong kasing edad mo ako ay may girlfriend na ako, she was a pretty pretty girl. You want that?" Sinamaan ko naman ng tingin si Shoare pero ngisi at kindat lamang ang tinugon niya rito.

"Gusto ko kasing ganda ni ate." Ngiti sa akin ni Shallow.

"Pero walang kasing ganda si ate, kaya sa kaniya muna ako." Dagdag niya. Napangiti ako at ginulo ko ang buhok ni Shallow.

"Saka ka na maghanap ng babae kapag may trabaho ka na, Shallow." Singit naman kuya Shiro.

"Yeah, kuya's right." Pag-aagree ko.

"No, tatanda 'kang binata kapag ginawa mo iyon Shallow, look at kuya. 'Till now wala pa siyang asawa." Kontra ni Shoare. Napaikot naman ang mga mata ni kuya at siya'y napabuntong hininga.

"Don't listen to your kuya Shoare, Shallow. He's a bad influence." Saad ni kuya Shiro. Napasinghap naman ni Shoare at nanlisik ang mga mata nito.

"Kapatid ba talaga kita, kuya?" Bakas sa tono nitong naiirita at naiinis siya. Well, kanina pa talaga siya naiinis, dahil si kuya Shiro ang maghahatid sa amin kaya hindi niya magagamit ang kaniyang kotse. Napa chuckle naman si kuya Shiro.

"Siguro hindi, Mabait ako, babaero ka." Tugon nito kay Shoare.

"Atleast hindi ako tatandang binata, unlike you. Mukhang mauunahan pa kitang magka-anak. Tch." Ismid nito.

Cuestavo Boys [On Going]Where stories live. Discover now