Ika-pito

37 1 1
                                    



Ilang minuto nalang at mag aalas-sais na. Ilang minuto nalang ay darating na si Shoare. Napatingin naman ako labas ng bintana rito sa sala, napahinga ako ng maluwag nang di na matanaw ng aking mga mata ang mga Cuestavo. Buti nalang at ginagawa nila ang kanilang sinabi, napangiwi ako. Kaya pala napapalibutan ng magagarang mga sasakyan ang bus na sinasakyan ko kanina.

"Ate."

Napalingon naman ako sa gawing likod ko. Napangiti ako nang makita ko si Shallow na mukhang bagong gising at kinukusot pa ang kaniyang mga mata. How cute.

"Yes, baby?" Lumapit naman ako ng bahagya rito at lumuhod sa harap niya para mapantayan ko siya. Ngumuso lang ito at mahigpit akong niyakap.

It melts my heart.

Niyakap ko rin ito pabalik, binuhat ko si Shallow saka ako tumungo sa isang parte ng sofa at umupo. Nakaupo naman sa aking mga hita ang bata.

"Napaginipan kita, ate." Then he pouted again. Mukhang malungkot ang prinsipe ko ah?

"Then? Anong meron sa dream mo?" Sinadya kong mag asal bata kapag siya ang kausap ko. Nakasanayan.

"Hindi mo na ako love sa dream ko." Mas lalo naman siyang bumusangot. Although he's cute with that big frown, pero hindi ako papayag na malungkot si Shallow.

"Don't worry, dream lang iyon. It's not true, love na love ka kaya ni ate." Ngiti ko sa kaniya. Hindi nalang siya umimik at mas lalong ngumuso. Yumakap naman ito sa akin kaya ay napayakap narin ako sa kaniya.

Minsan naaawa ako kay Shallow, he's really longing for love. Kuya Shiro was too busy, and so am I and Shoare. Pero Lolo was with him kapag umuuwi siya galing school at ihahatid nalang siya sa bahay ng hapon. Iba ang tuwa ni Shallow kapag kasama niya si Lolo, iba rin ang tuwa niya kapag kami ang kasama niya ni Shoare.

"Ate." Tawag ni Shallow habang sinisiksik niya ang kaniyang ulo sa aking leeg.

"Hmm?"

"Don't leave me, please." Napangiti ako. Isang malapad na ngiti.

"Why would I leave you?"

"Kasi in the future magkakaroon ka na ng husband tapos iiwan mo na ako tapos makakalimutan—"

"Shallow, don't say that. Hindi kita iiwan."

"Do you think na mangyayare iyon? Kay Shoare palang ay ayaw na niyang may dumidikit sa akin." Dagdag ko then I chuckled. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin. Nakakandong siya sa akin pero sa akin siya nakaharap.

"Where's kuya Shoare?" Takang tanong nito.

"He'll be home soon." Ngiti ko sa kaniya. Ngumuso naman siya. Cutie.

"With kuya Shiro?"

"Uhm...no?"

"Lagi nalang natin di nakakasama si kuya Shiro." Bakas sa kaniyang boses at mukha ang pagkalungkot. He really loves kuya Shiro kaya gusto niya rin pagtuunan siya ng atensyon nito. Pilit akong napangiti sa kaniya.

"He's busy, Shallow."

"He's always busy." Bihira lang namin makasama si kuya Shiro ng matagal. Umaga lang namin siya nakakasama sa pag kain pero minsan wala siya, even if special occasions wala siya. We understood that he's the bread winner, pero napapasobra ata.

Ngumiti ako lalo at pinsil ang bawat parte ng mukha ni Shallow.

"How was your day? Kamusta sa school?" Pag-iiba ko ng usapan. Kapag ganoon kasi ang usapan bigla-bigla nalang ako nakakaramdam ng lungkot.

Cuestavo Boys [On Going]Where stories live. Discover now