Ika-labing tatlo

32 0 0
                                    



It's already 11:00pm....

Thus, wala parin si Shoare....

After our bonding with Lolo ay umuwi na kami kinalaunan. As usual, diretso sa party ang kakambal ko with Dreg and Couv, then si kuya Shiro ay nagstay sa EGOC, while Shallow, mahimbing na ang tulog niya ngayon. Ako nalang ang gising sa bahay na ito.

Hindi ako makatulog. Kahit anong pilit kong matulog ay ayaw talaga ng mga mata ko na magpahinga. Kaya I decided na hintayin si Shoare, dahil ... wala lang. Gusto ko lang siyang hintayin. Malamang sa malamang ay may babae na naman ang kakambal 'kong iyon.

Kahit kailan ay hindi siya nagpakilala ng babae sa akin, because it doesn't really last too long. Laging panandalian lang lahat ng nagiging babae ni Shoare. Hindi ko alam kung bakit gusto niya ang ginagawa niya, hindi ko alam kung bakit masaya siya na madaming babae. Madalas sa mga nagiging babae niya ay mga bata pa talaga. Like, 15-17 years old. Diba? Napaka-child abuse ng kakambal ko.

I really want a girl na mas matanda kesa kay Shoare. Para naman may makapag-patino sa kaniya. Gusto ko siyang tumino pero pag dating kasi sa kaniya wala na akong ibang nagagawa kundi kunsintihin ang lalakeng iyon. Hay buhay!

Napatingin ako sa bintana ng aking kwarto at kitang-kita ko ang pagkabilog at pagkaliwanag ng buwan. Manghang-mangha ako sa ganda nito kaya wala sa sarili akong napangti habang pinagmamasdan ito.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa aking kama, nagsuot ako ng hoodie, kinuha ang wallet ko at ang aking telepono. Tahimik akong lumabas ng kwarto.

I want to walk. A night walk.

Madilim na ang buong bahay. Halos lahat ng ilaw rito ay patay na. Tahimik at dahan-dahan akong naglakad pababa sa sala at lumabas ng bahay. Tanaw ko naman ang gate mula rito, buti nalang at may spare keys ako. Agad na akong lumabas ng gate at saka nagsimulang mag lakad-lakad. Wala akong ideya kung saan ko gusto pumunta, kung saan ako dadalhin ng aking mga paa, doon nalang.

"Seriously, Sheina? Kailan mo pa nagustuhan ang night walks?" Tanong ko sa aking sarili.

Pati ako nababaliw na.

"Bored ka lang siguro Sheina." Sagot ko rin sa aking sarili. Napa-buntong hininga ako at umiling dahil sa mga lumalabas sa aking bibig.

Nahawa ka na sa mga punggok.

Ilang sandali pa ng paglalakad ay nakalabas na ako ng Village. Akalain mo iyon? May gana pa akong lumabas ng village sa ganitong oras? Nilakad ko ang mga streets ng Castañeda. Napaka-ganda ng Castañeda kapag gabi, dahil sa mga iba't-ibang kulay ng mga estbalishimento, isama pa ang mga ilaw ng mga dumadaang sasakyan. Kahit gabi na ay, parang ang liwa-liwanag pa ng syudad na ito.

Pinagmasdan ko ang bawat tindahan, sasakyan at mga buildings habang naglalakad ako. Wala lang ... pinagmasdan ko lang. Ang ganda kasi.

Biglang tumunog ang aking telepono kaya agad ko itong kinuha sa aking bulsa at tinignan kung sino ang lapastangang tumatawag sa ganitong oras.

Unknown number.

Kumunot ang aking noo at tila ba ay nag-iisip kung sino ang nag-mamayari ng numerong ito. Nang hindi ko mawari kung sino ay ipinatay ko na ito at hindi sinagot.

Every maganda doesn't talk to strangers.

Muli na namang tumunong ang aking telepono kaya agad ko rin itong tinignan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko na namana ang unknown number na naka-paskil sa aking telepono. Mas lalong kumunot ang aking noo at bonggang-bonggang nag-iisip kung sino ba talaga ang walang hiyang tumatawag sa akin. Ipinatay ko muli ang tawag saka ibinulsa ang aking telepono.

Cuestavo Boys [On Going]Where stories live. Discover now