Ika-labing apat

52 1 1
                                    



It's been a week nang simulan 'kong itutor ang mga Cuestavo. At sa mga araw na iyon ay napaka-bagal ng progress nila, hindi tuloy ako maka-attend sa mga subjects ko ng maayos. Lagi nalang kasi nauuna ang mga kalokohan bago sila makapag-aral ng tuluyan, and it's already been a week noong gabing nakasama ko si Luther sa streets ng Castañeda. And since then, bumalik ang mukha niya sa pagkabusangot at pero hindi natigil ang pang-aasar niya sa akin. Atleast isang gabi siyang maging mabait sa akin, hindi pa nga mabait ang lagay na iyon, he even pranked me! How insane he was!

Nameet narin nila ang kakambal ko, sa una ay hindi pabor si Shoare rito at sinugod pa si Mr. Revilla sa kaniyang opisina para lang ihinto ang pag-tututor ko sa mga punggok.


"Sir! What's this?! Having Sheina as their tutor?!" Singhal niya kay Mr. Revilla. Kita ko kung paano bumabakas ang galit sa awra ni Shoare.

Napa-iling ako, kaya hindi dapat ginagalit ang kakambal ko.

"Yes, Mr. Esperanza. Have a problem with that?"

"Of course yes! Tutoring a bunch of boys aren't normal for a girl, Sir."

Mr. Revilla and Lolo Serdio are friends, kaya kilala kami nito at kilala namin siya. Hindi ko lang ito kinakausap in an informal way dahil Head Teacher siya rito sa Tamara, and ginagalang ko siya.

"It's normal, Mr. Esperanza, unless kung nilalagyan mo ito ng malisya."

"Bakit hindi man lang ito nakarating sa akin? Back her off, hindi ko siya pinapayagan!" Ibinagsak ni Shoare ang kaniyang mga palad sa desk ni Mr. Revilla.

"Shoare Cassin Esperanza!" Sabat ko, baka sakaling kumalma ito.

"Shut your mouth, Sheina Cassivy Esperanza." Galit na siya. Muli niya binaling ang atensyon kay Mr. Revilla na relax na relax na nakaupo sa swivel chair niya.

Hanga na ako kay Mr. Revilla, hindi man lang makaramdam ng takot at kaba.

"Walang magagawa ang pagka-protective mo, it's my decision. No one can stop my decisions, Mr. Esperanza."

"They're just transferees, paano ka nakakatiyak na kilala mo na ho sila?! Paano kung may gawin silang masama sa kakambal ko, ano nalang ang mangyayari sa kaniya?!"

Minsan OA narin si Shoare. Masyado na siyang best actor. Pwede na sa Hollywood.

"I trust the Cuestavo cousins, and base sa observations ko .... the boys and your twin sister really gets along." Ngiti ni Mr. Revilla sa kaniya. Rinig ko ang pag-singhap ni Shoare.

"There are many toxic people in the world, sa una ay magiging mabait sila then after that gagawin na nila ang binabalak nila, back her off on this tutor thingy, Mr. Revilla!"

"Shoare! Hindi sila ganoong tao—"

Lumingon ito sa akin na may nagliliyab na mata at nag-aapot na awra. Napalunok ako nang maramdaman ko ang galit ni Shoare.

"I said shut the fvck up." Mariin niyang sabi na siyang nagpatikom sa aking bibig. Geez, nakakatakot na si Shoare ng sobra.

"Back her off, Mr. Revilla. Back her off!" Bulyaw na naman nito muli.

"You know I can't do that, Mr. Esperanza." Magsasalita palang sana si Shoare nang magsalita muli si Mr. Revilla.

"You'll approve with it or I'll kick you out of archery team? Choose, Mr. Esperanza." Napahinto si Shoara na parang bato. Lumaki ang mga mata niya at napasinghap.

Cuestavo Boys [On Going]Where stories live. Discover now