Zero

2 0 0
                                    

Tahimik akong lumabas ng silid-aralan.

Katatapos lang ng maikling pagsusulit ng aming klase. Iba't iba ang reaksyon makikita sa aming mga mukha. Mayroong masaya. Mayroong lugmok. Mayroong 'di makapaniwala. Mayroong tulala. At mayroon ding mga walang pakialam.

Ako? Nasa pagitan ako ng 'di makapaniwala at walang pakialam. 'Di makapaniwala dahil unang beses ko pa lang itong naranasan at walang pakialam dahil tapos naman na. At dahil na rin siguro na batid kong ako'y may pagkukulang at kasalanan.

Dumating ako sa susunod naming klase na tahimik. Pumasok nang tahimik. Umupo nang tahimik. Pilit na tinatakpan ang mga tainga sa pamamagitan ng sapilitang paglilibang.

Ngunit sadyang maingay ang katahimikan.

Ako'y biglang nilapitan. Ano raw ang nakuha kong marka? Sinagot ko sila. At sila'y hindi naniwala. Inakalang ako'y nagbibiro lamang. Ngunit bakit naman ako magbibiro sa nakuha kong marka?

Kaya pinili kong 'di magsalita kanina. Batid kong walang maniniwala.

Sa hindi inaasahan, ako'y nasaktan. Hindi sa aking nakuha kundi sa mga reaksyon nila. Ganoon ba kataas ang tingin nila sa akin? Tao lang din naman ako... nagkakamali. Nadadapa.

Nang makitang seryoso ako, kimi silang ngumiti at ako'y sa wakas nilubayan. Hula ko'y sa isip nila'y hayaan muna ako dahil ito ay wala sa nakasanayan. Na ako'y gulat din tulad nila. Nais ko silang sigawan ngunit alam ko sa sarili kong... tama sila.

Mahirap pala kapag nakasanayan ng iba ang isang bersyon ng iyong sarili. Doon matutuon ang kanilang pansin at magugulat sa mga gagawing wala sa kanilang inaasahan. Hindi mo alam kung ika'y ngingiti o ipagsasawalang-bahala na lang. Kaso... hindi siya nakukunteto doon sa dalawa.

Kadramahan 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon