Kabanata 6

13.3K 313 11
                                    

               "Nasaan po si Joshede, Manang?" tanong ko.

               "Ay, hindi ba nagpaalam sa 'yo? Umalis, nakabihis."

               "Saan daw po pupunta?"

               "Ay, hindi ba sinabi. Baka kay Rissa," parang nabiglang sabi ng matanda.

               "Naku... baka may binili lang, Hija. Oo nga. Baka may binili lang," pilit na napangiti ako.

               "Baka nga po ay may binili lang," ayon ko.

               Bumalik ako sa kwarto. Gusto kong i-relax ang sarili pero hindi ko maawat ang aking dibdib sa pagtibok ng mabilis. Nate-tense ako at nara-rattle sa katotohanang hindi yata ako pansin ng lalaking pinakasalan. At kung totoong doon sa Rissa siya nagpunta, bakit parang nasasaktan yata ako?

               Malinaw ang sinabi ng lalaki na wala kaming pakialamanan. Na wala akong karapatang pakialamanan siya sa mga ginagawa niya. Kumplikado yata ang lagay ng relasyon namin.

               "Mabait si Joshede, Arci. Kaya lang ay masamang magalit. Lumalaki ang butas ng ilong at parang gusto kang singhutin."

               "Gano'n po ba? Ano naman po ang ikinagagalit niya?"

               "Kapag nagseselos. H'wag kang magagalit, huh? Kasi, 'yung kanyang favorite girl, 'yung si Risssa lagi niyang pinagseselosan 'yon."

               "A-Ano po ba ang relasyon nila ng babaeng 'yon? Live-in partner niya."

               "Hindi naman. Pero lagi rito ang babaeng 'yon. At kapag nandito, maghapon silang nakakulong sa kwarto. Pero dati 'yon. Ngayong nandito ka na, h'wag kang papayag na pupunta-punta pa rin 'yon ang babaeng 'yon dito."

               "Paano kung gusto pa ni Joshede na pupunta siya rito?"

               "Aba, awayin mo. Ipaglaban mo na ang karapatan mo bilang asawa niya."

               "Ma-Mahal po ba ni Joshede si Rissa?"

               "'Yan ang naiisip ko no'ng una pero ngayong naririto ka na at siyang pinakasalan ni Joshede, iniisip kong ngayon lang siya nagmahal."

               "Hindi po totoo 'yan."

               "Bakit hindi totoo?" nagtatakang tanong ni Manang Rosa.

                "Ah, wala po. Sorry po. Tama nga po pala kayo," biglang bawi ko.

               Sa totoo lang nasasaktan ako sa mga nalaman ko. Gusto ko sanang isiping hindi ako basta nagpakasal ang isang lalaking sa isang babae ng walang damdaming involved. Ngunit sa nalaman ko kay Manang Rosa, naniniwala ako na ang importante nga ang Rissa na 'yon sa buhay ni Joshede.

               May nararamdaman akong kirot sa dibdib. Ano ba naman itong buhay na napasukan ko? Dadalawang araw pa lang ako kasama ang lalaking ito, puro kirot na kaagad ng dibdib ang umaatake sa akin.

               Bumalik ako sa kwarto. Parang hindi ako makapaniwala sa kapalaran kong ito, nahiga ako sa malapad at malambot na kama ni Joshede. Naisip ko kung ilan na kayang babae ang nakatabi ni Joshede sa kamang ito?

               Marahang yugyog sa balikat ang gumising sa akin. "Joshede!" nagulat ako nang makita siya. Naka-Tshirt lamang ito at naka-walking short na nakatingin sa akin.

               "Napasarap ka ng tulog. Gabi na. Oras na para maghapunan." Napabalikwas ako sa pagkakahiga at kaagad akong tumayo.

               "I'm sorry. Pasensya ka na. Napasarap ako ng tulog."

Best Mistake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon