Binago ko ang itsura. Humalukipkip ako, itinaas ang noo at nagpakapormal-pormal ang itsura.
"Magandang hapon sa inyong lahat," bati ni Joshede.
Nakangiti at nakalitaw ang pantay-pantay niyang mga ngipin. Napatingin ako sa labi niya. Nami-miss ko ng halikan ang mga labing iyon. Kung paiiralin ko ang nararamdaman, gusto kong sugurin siya ng yakap at mga halik. Pero hindi. May ipinaglalaban akong prinsipyo.
Meron nga ba? Ano bang prinsipyo?
"Kumusta ka na, Arci?"
"Mabuti naman ako. Walang sakit. Masaya. Kaya kung inaakala mong malungkot ako rito, nagkakamali ka!"
"Ay hindi! Niloloko ka lang n'yan. Lonely 'yan," saad ni Eula.
Pinandilatan ko ng mata si Eula. "Masamang magsinungaling, Arci. Liars go to hell." Ipaktang Nina ito. Ayaw tumigil.
"Ah, siguro mas maganda kung iiwanan na muna ninyo kami nitong asawa ko para makapag-usap kami ng masinsinan."
"Sure na sure. Vamos amiga!" parang lider ng isang platoon na senyas ni Marian.
Nagmamartsang iniwanan ako ng mga kaibigan ko na umakyat sa bahay ni Lola Caring.
"H'wag kang uuwi nang hindi naaayos ang problema. Naku, mahal na mahal ka ng batang iyan. Feel na feel ko!" kinikilig na pahabol ni Lola Caring.
Isa pa ang matanders ito. Ang tanda na ay manunukso pa, nanghahaba ang nguso kong sabi ko.
Nang mapagsolo kami ni Joshede ay nag-right face ako para umiwas sa kanya. Kaso, nagpunta siya sa harap ko. Nag-left face naman ako. Humarap ulit siya sa akin. Tinalikuran ko siya. Hindi ito nag-give up. Hinarap niya ulit ako.
"Ano ka ba?!"
"Anong ano ka ba? Please naman, bati na tayo." Hinawakan niya ang mga kamay ko.
Nagpupumiglas ako para mabawi ang mga kamay ko pero hindi binitawan ni Joshede.
"Hirap na hirap na ako. Ilang gabi na akong hindi makatulog dahil wala ka sa tabi ko."
"Liar! Kung hindi ko pa alam na may babae ka! Na hindi mo pa binibitawan ang Rissa na 'yon! Na hindi mo malaman kung paanong sasabihin sa akin ang damdamin mo para sa babaeng yun dahil 'yon ang mahal mo! Akala mo hindi ko narinig ang mga pinagsasabi mo kay Manang Rosa!"
Napansin ko na nakangisi lang si Joshede. Parang hindi ito naapektuhan ng mga pinagsasabi ko. Aba, talaga atang gusto ng lalaking ito na manigas ako sa galit.
"Anong tinatawa-tawa mo, huh?" sinuntok ko siya sa sikmura kahit na hawak niya ang kamay ko.
Lalong tumawa si Joshede. "Joshede, nakakainis ka na! Hindi na ako natutuwa sa 'yo!" at napahagulgol na lang ako ng malakas.
"Eh, kasi naman. Makikinig ka na nga lang, mali pa. Alam mo ba kung sino ang tinutukoy ko na hindi ko na pwedeng iwan at mahal na mahal ko na? Ikaw 'yon. 'Yong babaeng gusto ko nang iwan, si Rissa 'yon. At ayos na ang lahat. One hundred thousand pesos lang ang katapat ni Rissa para patahimikin na tayo."
Humikbi-hikbi ako. "Niloloko mo lang ako. Binobola mo lang ako dahil wala ka nang makakatabi ng libre sa kami. 'Yon lang naman ang papel ko sa buhay mo, ah? Sex object!"
Sa pagkabigla ko ay biglang nawala ang mga ngiti ni Joshede sa mga labi at lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.
"Ganyan ba kababa ang pagkakakilala mo sa akin?"
"J-Joshede..." parang gusto kong magsisi sa sinabi ko laban sa kanya.
Umatras siya at parang tatalikuran niya ako.
"Joshede!"
Joshede POV
Nakalimang hakbang na ako at natatakot akong isipin na baka hindi niya ako habulin ni Arci. Eh, mahal na mahal ko ang promdi girl na 'to. Kahit sabihin ko pang hindi kasing-sophisticated ng ibang babaeng dumaan sa buhay ko, sa kanya ko nasumpungan ang tunay na pag-ibig.Huminto ako sa paghakbang at saka dahan-dahang lumingon. Nakita ko si Arci na nakatayo pa rin sa dating kinatatayuan niya.
"Hindi mo ba ako hahabulin?" pasigaw kong tanong.
"Nagpapahabol ka ba?" ganting sigaw niya.
Humarap ulit ako at saka humalukipkip. "Oo naman."
Arci POV
Napangiti ako ng abot tenga. Talaga namang plano kong habulin ang aking pinakamamahal na asawa. Ayaw ko ng mawala siya sa piling ko. Ngayon pang nakakatiyak akong mahal na niya ako.Bumuka ang mga kamay ni Joshede, parang nakahanda na siyang yakapin ako.
"Joshede, mahal na mahal kita!" wala ng hiya-hiyang sabi ko. Mahigpit na niyakap ko si Joshede at saka maintim kong inangkin ang kanyang labi.
Parang gusto kong matunaw sa mga sandaling ito. Parang gusto kong lumipad sa tuwang nararamdaman ko. Wala na akong pakialam, hindi ko tatanggihan ang halik ni Joshede kahit na nakikita ako ng mga kaibigan ko. Kahit alam kong sumisilip ang mga yun. Mainggit sila!
"Ramona Ceciliaaaaaaa!"
Sigaw 'yon ni Papa. Natakot ako nang makitang may hawak-hawak siya at iwinawasiwas sa ere.
"Ang papa! May hawak na itak!"
"Anong itak? Imported na alak 'yon. 'Yong paborito niya. Kinausap ko ng masinsinan ang Papa mo bago ako nagpunta rito. At napaniwala ko siya na tapat ang layunin ko sa 'yo."
Hingal na hingal si Papa nang makalapit siya sa amin. "Ipinatawag na kayo ng Mama niyo. Luto na yung pinaupo na naka-dekwatrong manok at saka ng sinigang na tilapia. Tara na at nang makakain. Bubuksan natin itong imported na alak na bigay nitong asawa mo anak," maluwang ang ngiting sabi ni Papa.
Napatingin ako kay Joshede. Magkaakbay na humakbang kami para sumunod kay Papa nang biglang makarinig kami ng mga sigaw.
"Sama kami, Angkel Lucas!" si Eula. Tinalon pa nga nila ang hagdan para lang makaabot sila sa amin.
Habang pauwi kami ay masayang nakamasid lang kami sa mga kalokohan ng mga kaibigan ko na tuwang-tuwa na binibiro si Papa.
At si Papa, ngayon ko lang siya nakitang makipagbiruan siya ng ganito. Sa malas ay nakuha ni Joshede ang loob niya.
"Ginayuma mo Papa ko, 'no? Ngayon lang bumait ang ganyan 'yan."
"Papa mo lang ba? Hindi ba ikaw din?"
Maliit na kurot ang iginanti ko sa asawa ko. Lunod na lunod ang puso ko ng mga sandaling ito. Ano pa ba ang mahihiling ko? Inayos ng lahat ni God ang lahat-lahat sa buhay ko. At higit sa lahat, binigyan niya ako ng isang tamang lalaki na mamahalin ko habang nabubuhay ako.
***Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE to your friends.***
;x;
Follow me on Twitter @jaedgu_
BINABASA MO ANG
Best Mistake (Completed)
Fiksi UmumRamona Cecilia Dimagiba wants to go to Manila, but her father betrothed her to marry the son of his friend from abroad. But she fled from her father not to marry to a man she does not love. She was forced to work for a club thinking...