Mal's POV
Sariwang hangin at kalmadong dagat.
Heto ako ngayon sa dalampasigan ng aming isla at inaabangan ang pag sikat ng araw. Ito ang aking gawain araw-araw. Nahuhumali ako kung paano lumitaw ang araw sa silangan at paano lumubog sa kanluran.Napakasarap isipin na nagigising ako bago mag simula ang panibagong araw. Hindi ko alam ngunit tila bang may pinahihiwatig ito kasama ng mga hindi maipaliwanag na mga panaginip.
'Malia, Pinapatawag ka ng mahal na Hari'
Siya si Alonia ang aking taga pag silbi at matalik kong kaibigan.
'Susunod ako' sagot ko sa kanya.
Nanatili ako roon ng sandali hanggang tuluyang lumitaw ang haring araw. Bumalik na rin ako sa palasyo.
'Mahal na hari, pinapatawag nyo raw ako?' pugay ko sa dakilang Hari ng Aqualthia
'Mal. aking pinagkakatiwalaang mandirigma at napakaganda kong anak' panimula ng Mahal na Hari
Ako si Malia ngunit tinatawag nila akong 'Mal' isang mandirigma at isa sa Princesa ng kaharian ng Aquathia ang ang aking tahanan.
'Ano ho ang maipaglilingkod ko sayo ama?' tanong ko sa Haring nakaupo ngayon sa kaniyang trono
'Nais kong maglakbay ka upang hanapin ang perlas ng Aquathia'
'Ngunit, hindi bat isa lamang itong alamat?'
Narinig ko na dati ang alamat na ito noong maliit pa lamang ako. Ngunit ay malabo ang mga memoryang iyon. Ang tanging makakakuha lang daw ng makapangyarihang perlas ng Aquathia ay ang tanging taga pagmana neto. Ngunit hindi madali ang paglalakbay, iyon ay ayon sa mga kwento lamang. Hindi sigurado ko nasaan ang perlas na ito. At wala ring nakakaalam ng totoong itsura nito.
'Nais kong malaman mo ito sa iyong sarili'
Yumuko ako at nag bigay pugay.
'Ihahanda ko po ang aking mga sundalo'
itinaas ng amang hari ang kanyang kanang kamay
'Hindi na dahil nakapili na ako ng mga mandirigma na sasama sa iyo'
sunod na pumasok ang isang babae at dalawang lalaki sa kweba.
'Sila ang iyong mga makakasama. Si Alonia ang iyong taga pagsilbi, si Principe Lawom ng Cronada at ang kanyang taga pag silbi na si Habagat.
Mukhang pamilyar ang mukha ng dalawang ito tila ba'y nakita ko na sila noon. Ngunit hindi rin ako sigurado.
'Kailan ho kami mag lalakbay ama?' tanong ko
'Bukas agad pagsikat ng araw ay tutungo kayo ng silangan'
Tinawag niya ang kanyang taga pagsilbi at may dala itong apat na kwintas.
'Isuot ninyo ang mga kwintas na ito. Sa oras na kailangan nyo ng tulong ay magagamit nyo iyan. Humiling lamang kayo ng kahit ano ngunit nagbibigay lamang ito ng tatlong mahahalangang Kahilingan kaya gamitin ninyo iti ng maiigi'
Kinuha namin isa isa ang mga kwintas at isinoot. Pagkatapos non ay pinagpahinga niya na kami upang makapaghanda sa paglalakbay.
'May iniutos na naman ba sa iyo ang iyong ama?' Tanong sa akin ni ina
'Opo.' sagot ko
'Bakit tila ngayon ko lang nakita ang kwintas na iyong soot?' tanong nya sa akin habang nakatingin sa kwintas
'Ah binigay ho ito ni ama upang magamit namin sa paglalakbay' paliwanag ko
'Hindi iyan ang tinutukoy ko.Itong isa bakit tila gamit ng mga tao ang desenyo nito?' Napatingin naman ako aa hawak niya
Ang naalala ko ay may nagbigay sa akin neto ngunit malabo ang aking memorya kaya hindi ko mahagilap kung sino ang naaalala ko lang ay dalawang kamay ang isa ay nag abot ng kwintas at ang isa naman ay ang tumanggap at nakita kong ako iyon.
'May nag bigay ho sa akin ngunit hindi ko maalala kung sino'
'Ay baka isa lang sa mga batang sereno o serana na humahanga sa iyo ang nag bigay nyan. Nakakapanibago lamang ang desenyo mukhang nakita ko na iyan sa mundo ng mga tao. Oh siya magpahinga kana at malayo pa ang paglalakbay ninyo bukas.'
'Walang nakakaalam kung ano ang totong itsura neto. Nakasalalay sa inyo kung paano ito mahahanap' Sabi sa amin ng mahal na hari.
'Maasahan nyo hong hindi kamai mabibigo mahal ma hari' Sabi naman ni Principe Lawom
'Mag ingat kayo sa inyong paglalakbay. Naway magtagom kayo'
Narito lahat ng mamamayan ng Aquathia at inaabangan ang aming pamamaalam sa kanila upang mag lakbay.
lumapit sa akin ang isanv batang sereno.
'Mahal na prinsesang Malia sana ho bumalik kayo ng matagumpay' sabi neto na may ngiti sa labi.
Nagpaalam na kami at nag umpisang lumangoy palayo.
Makakabalik pa kaya kami? Magtatagumpay kaya kami?
iyon ang nga katanungan sa aking isip dahil kabalikat ng paglalakbay namin ay ang iba't-ibang pagsubok at panganib.
'Paano namin malalaman kung saan nakakubli ang perlas? kung wala man lang tayong katiting na nalalaman tungkol dito?' tanong ni Lawom sa amin habang lumalangoy palayo ng Aquathia
walang sumagit at patuloy lamang kaming nag lakbay.
Sana ay maging handa kami
Sana maging handa ako.
⏰⏰⏰
Its Lozel
![](https://img.wattpad.com/cover/186399603-288-k744025.jpg)
BINABASA MO ANG
TWISTED TIME [completed]
Ficción GeneralIt seems like life is not approving anything about her. She's a failure. That is what everyone define her and how she define her self. Until the day that she decided to quit --- or so she thought. What will happen to her is out of ordinary. Will thi...