CHAPTER 5

13 1 0
                                        

MAL's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock.!

Shet kailan lang ba ako nag alarm?!  eh hindi ko naman gina---

Oo nga pala ako sa Margarette.

Sino ba talaga tong si Margarette? She looks so formal halata naman sa nga damit niya, at mukhang maarte din. At yeah halata namang mayaman.

Tumayo ako sa kama at dumeretyo na sa banyo. Naalala ko na may sinabi si Lola na may klase ako ngayon. Hindi ko nga rin alam kung saan eh.

Pagkatapos kong maligo, Dumating na ang pinaka mahirap na desisyon sa buhay ko.

Ang isuot ang uniform.

Paano ba to? Eh ang ikli ng palda tapos parang Fitted pa yung blouse. mahaba yung medjas na umaabot hanggang tuhod at may sapatos rin na itim na may heels.

pucha. Eh hindi naman ganito yung uniform namin eh. Oo nakapalda kami pero abot yun hanggang itaas lang ng tuhod saka hindi rin fitted yung blouse.

Wala na akong nagawa kundi isuot ang uniform. Mukhang mayaman naman sila bibili nalang ako mamaya. hihihi

Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako agad.  Na walang suklay oh kung ano man sa mukha haha. Mamaya nalang ako magsusuklay or wag nalang matutuyo lang naman yang buhok ko eh.

Pagbaba ko sinalubong agad ako ni Mama na naka pang office na uniform na.

'Baby what's wrong with your hair? at hindi ka man lang nagpaganda ngayon?'

Lumapit siya sa akin at pinaupo ako sa dining area at sinuklayan ang buhok ko.

'Ah wala tinatamad ako ma-i mean Mom'

Be Margarette,  Be Margarette.

'Hmmm so new.' sabi niya nalang

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na siya sa akin na may meeting pa daw siya. Si Greg daw or si Andrew at umalis na kaninang madaling araw at may business trip daw.

Walanjo. Naging apilyedo ko pa talaga ang pangalan ng manlolokong yun.

Teka? eh sino naman ang maghahatid sa akin sa school? eh hindi ko naman alam ang palunta dun.

'Ma'am Margarette, Nandyan na po si sir Tyler'

Napatingin ako sa nagsalita na maid. Huh? sinong Tyler?

'Sino pong Tyler?'

Napatingin naman siya sa akin at agad ding yumuko

'Nag away lang tayo nakalimutan mo na ako?'
napatingin ako sa nagsalita. And he don't look familiar to me. Bago lang talaga siya sa paningin ko.

Sino naman to?

lumapit siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko kaya nasuntok ko siya.

'Bastos! Bat mo ako hinalikan?! Ni Hindi nga kita kilala eh.'

Napatingin naman siya sa akin na para bang nagtataka.

'Marga? Are you okay? Nilalagnat ka yata. at hindi mo ako kilala?' sabi niya sabay hawak sa noo ko.

'It's me, Tyler Gates. You're (Hininaan nya ang boses nya) Best friend pero ang alam ng parents mo boyfriend mo ako. Remember? You asked me a favor.'

WHAAAAATTTT?????

'You looked shocked halika na nga malalate na na tayo.' sabi niya sabay hila sa akin at kuha ng bag ko. pero tumigil din siya

'Ito yung bag mo?' tanong nya

TWISTED TIME [completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon