CHAPTER 15

11 1 0
                                    

Malia's POV

(Ginawan ko po ng POV si Malia para mas malinaw po at hindi kayo malito)

Narito ako ngayon sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. Inilabas ako ng mga estranghero sa loob noong kwadradong kweba.

'Ito ang kwarto mo ate. sana maalala mo.' sabi sa akin noong batang babae.

Hindi ko siya kilala ngunit tila bay may nag uudyok sa aking isipan na alalahanin siya.

'Lalabas na ako para makapagpahinga ka' dagdag nya pa at lumabas.

Nagkalad ako sa loob ng kwarto. Oo sa 5 araw na pananatili ko sa lugar na puro puti na tinatawag nilang ospital ay tinuruan nila akong maglakad.

saan ko ba mahahanap ang perlas? Alam kong hawak ko na iyon sa aking kamay. Maaring naroon ito sa aking kasama. Ngunit hindi ko makita kubg sino iyon. Maaring si Habagat o Si Lawom.

Teka,

Napatingin ako sa palad ko. Tama! Pumasok ito sa aking mga palad. Hindi kaya,,

Itinaas ko ang aking kamay at sinubukang pagalawin ang isang bagay sa loob ng kwardong kweba na ito.

Hindi ako nabigong gawin ito. Alam kong may roon akong kakayahang gawin ito ngunit sa tubig lamang. kaya kong pagalawin ang tubig pero hindi pa ang bagay.

Hindi kaya, nandito sa akin ang perlas na aking hinahanap?

biglang may bumukas ng pinto kaya nabitawan ko ito at biglang nabasag.

'Mallory, Anong nangyari?!' tanon sa akin ni Liz, ang sbi niya ay siya raw ang aking ina.

May pinakita rin siyang litrato na nagpapakita ng isang imahe sabi niya na ako raw ito at oo kamukhang kamukha ko nga ang nasa litrato.

'Wala ho'

may tinawag siyang babae at nilinis noon ang nabasag.

'Mallory, prepare your things, bukas ay aalis tayo. Para naman makabawi ako sa mga panahon na binalewala kita. anak sana mapatawad mo ako. ayusin mo na ang mga gamit mo huh? May pupuntahan tayo bukas' sabi niya. Ngunit bakit tila may kumirot sa aking dibdib?

Pagkatapos nang sinabi niya ay lumabas na siya.

Mal's POV

Unti unti kong minulat ang aking nga mata.

Kadiliman. Yun lang ang nakikita ko.

nang sinubukan kong bumangon, Doon ko napagtanto na nakalutang pala ako. Nang tumingin ako sa paligid, Nasa loob ako ng isang malaking bula sa ginta ng kadiliman.

'Tulong?? Tulong!!!' Sigaw ko kahit alam kong walang makakarinig sa akin

Ano ba ang nangyari?

Ang huli kong naalala ay ang pag aaway namin sa bahal nila Andrew at mama pati na ang pagsulat ko sa notebook.

Teka, Tama! Ang notebook! ano ba ang isinulat ko doon?

kinapa ko ang bulsa ko at doon ko naramdaman na may notebook sa bulsa ko at alam kong iyon ang hinahanap ko.

kinuha ko ito.

binasa ko bawat page nito at napansin ko na ang lahat ng nakasulat doon ay ang lahat ng kabaliktaran ng buhay ko. At nakabase ito sa buhay ng mga paborito kong bedtime stories noon na binabasa ni lola para sa akin. Tulad ng 'The little Princess' ang story ni Princess Margarette na nag iisang anak ng Hari at Reyna. Storya ito na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga taong nasa tabi mo, at pagpapahala ng bawat sandali ng buhay mo. Dahil sa huli ay namatay si Princess Margarette pero nag iwan naman siya ng mahahalagang Aral sa mga taong mahal niya. At ang 'Pearl Princess' na palagi kong binabasa mag isa noon. Storya ito ni Princess Malia na nakatakdang mamana ang kapangyarihan ng Perlas ng Aquathia. Isa siyang serena. Dati nahuhumaling talaga ako sa mga serana may ilang beses pa nga na pinangarap kong maging isang serena eh. Si Princess Malia ay nagpapakita ng kakaibang tapang na sa pakikipaglaban at sa pag protekta ng karagatan laban sa mga masasamang mangingisda. Nang napasakanya ang perlas ay mas lumakas pa ang kanyang kapangyarihan hanggang sa makarating siya sa mundo ng mga tao upang matutunan ang pamumuhay nila at maituro sa kanila ang tamang paggamit ng karagatan na hindi ito inaabuso. At pag balik niya sa aquathia ay siya ang itinalagang bagong reyna.

'Nakakamis si Lola' sabi ko sa sarili ko.

Pero paano ba ako makakabalik sa dati? Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako at kung anong nangyayari sa akin.

nakalutang lang ako sa malaking bula na ito.

Napahawak ako sa suot kong kwintas. Ito yung bigay sa akin ni Uncle. Yung notebook bigay ni Timer. At si King. Hindi ko alam pero bigla nalang siyang pumasok sa isip ko. Tila bay parang may nag udyok sa akin na alalahanin siya. Bakit?












































TWISTED TIME [completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon