CHAPTER 12

11 1 0
                                    


Mal's POV

'Gaano naba kalayo ang ating nalalakbay?'  biglang tanong ni Alonia sa gitna ng mahabang katahimikan.

'Hindi ko rin alam. Paano ba natin mahahanao ang perlas na sinasabi ng mahal na Hari?' Dagdag naman ni Lawom

Bigla kaming may narinig na pagsabog galing sa itaas sigurado akong nga tao na naman ito. Mga walang utang sa loob sa dagat

Bigla namang lumangoy palapit sa amin ang mararaming malilit na isda. At alam kong dinamita naman ang gamit ng mga taong iyon.

lumangoy ako paitaas.

'Saan ka pupunta princesa? delikado sa itaas!' tawag sa akin ni Alonia

'Kailangan kong pigilan ang mga mangingisdang iyon. sinisira nila ang karagatan!'  sabi ko naman at lumangoy na paitaas.

malayo ako ang bangkang kinaroroonan ng mga mangingisda.

sa kompas ng aking kamay ay pinagalaw ko ang mga maliliit na alon at ginawa itong sobrang laki. Mas malalaki pa sa kanilang mga bangka.

Hindi ko sila papatayin. Tuturuan ko lang sila ng leksyon. Hinampas ko ng malaking alon ang kanilang bangka at alam kong dadalhin sila nito sa dalampasigan.

bumalik na ako sa ilalim ng dagat kung saan naghihintay ang aking nga kasama.

'Anong ginawa mo sa mga mangingisda?' tanong ni Habagat

ngayon ko lang narinig nagsalita ang lalaking ito

'pinauwi ko lang' sabi ko 'Magpatuloy na tayo sa paglalakbay.

hindi pa man kami nakakaalis ay may nakita kaming liwanag na nanggagaling sa ilalim ng kweba. Parang alam ko ang kwebang ito.

'Hindi bat yan ang kweba ng Perladina?' tanong ni alonia

'Oo yan nga. Ang kwebang gubat ng mga perlas' sabi ni Habagat

'Kung ganon. Maaring nariyan ang ating hinahanap!' masiglang sabi ni Lawom

lalangoy na sana siya maibaba ngunit nay napansin ako

'Sandli!' pigil ko sa kanya

'May nagaabang ng panganib na loob nyan' panimula ko

lumangoy kami at tumigil sa bunganga ng kweba

'May mga buklang bumubuga ng maiinit na tubig rito.' paliwanag ko

kumuha ako ng isang bato at tinapon ito doon sabag ng pagbuga ng mainit na tubig. Nakita namin kung paano neto tunawin ang bato.

'Paano tayo nakakalagpas dyan?'

Tiningnan ko ng mabuti ang mga bulkan.

Lumalabas ito sa pagkatapos ng 5 segundo. hindi rin sabay kaya makakatawid kami.

'Sundan nyo lang ako'

naghintay ako kung kailan huhupa ang bulkan saka ako tumawid. Hanggang sa malampasan ko lahat. Nang makarating ako sa dulo, nakita kong sumunod sila at ginaya ang ginawa ko.

'Buti nalang talaga at matalino si Malia!' sabi ni Lawom

nagpatuloy nalang ako sa paglangoy hanggang sa makarating kami sa isa pang kweba sa loob. at doon, bumungad sa amin ang napakaraming perlas at iba't ibang kulay.

'Napakarami neto. Saan natin makikita ang Perlas ng Aquathia?'

TWISTED TIME [completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon