CHAPTER 13

10 1 0
                                        


Mal's POV

Dahil sa dami ng mga perlas na naroon sa kweba ay nahirapan kaming hanapin ang totong perlas ng Aquathia.

'mag ingat kayo sa paghawak ng mga perlas dahil may nakadikit dito na malakas na mahika.'  sabi ko sa kanila

nararamdaman kong may hindi tama sa lugar na ito. Iba ang aking kutob sa mga perlas na nakapalibot sa amin. tila bay naglalabas sila ng napakalakas na pwersa.

'Anong sinasabi mo Malia. Mga perlas lamang ito at wala na. Isa lang ang makapangyarihang perlas sa buong karagatan. at iyin ay ang perlas ng Aquathia.' Sabi sa akin ni Alonia

Lumapit sya sa isang perlas at hinawakan ito. Nakahinga ako ng malalim nang walang nagyari. Ngunit matapos lamang ang ilang segundo ay biglang yumanig ang buong kweba at nagsi taasan ang lahat ng perlas.

'Anong nangyayari?!'

Tama nga ang hinala ko! Isa itong patibong! Ngunit may nahagilap ang mata ko. Isang perlas na nasapinakaibaba at kumikinang ito. Hindi ako sigirado sa iniisip ko ngunit paranv ito na ang Perlas na aming hinahanap.

Lumangoy ako paibaba

'Malia! halikana! Babagsak na ang lugat na ito!'  sigaw sa akin ni Lawom habang lumalangoy palabas ngunit hindi ako anakinig kailangan kong makuha ang perlas na iyon.

Lumangoy ako ng lumangoy paibaba nang mahawakan at makuha ko na ang perlas, naramdaman kong mayhumawak sa braso ko at hinila ako. ngunit hindi na kami nakagalaw dahil pareho kaming tinangay ng isang malaking 'Gipo' ang ipo ipo ng dagat. nakita kong nagliliwanag ang perlas ngunit tila bay pumapasok ito sa aking palad. Nahihilo ako.naramdaman kong may nakayakap sa akin habang paikot kami ng paikot sa loop ng Gipo.


































Nakaramdam ako ng matinding liwanag na tila bay nakaharap sa akin. Kaya dahan dahan kong binuksan ng aking mata. Bakit ang sakit ng aking ulo?

















⏰⏰⏰
Heeeyyy. Guys! Kung naalala nyo maikli lang po ang story na to. so expect na malapit na tong matapos at sorry dahil ang iikli ng chapters.

ItsLozel

TWISTED TIME [completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon