CHAPTER 14

13 1 0
                                        


Mal's POV

'She's awake' rinig kong sabi ng isang boses

Ang sakit ng ulo ko.

unti-unti kong minulat ang aking mga mata. At tumatama rito ang nakakasilaw ng ilaw na nang gagaling sa isang hindi pamilyar na bagay.

'Mal your awake! Oh thanks God!'

Sino ang babaeng ito?

Tiningnan ko sila isa isa. Isang lalaki na hindi ganoon ka tanda, isang babae na halos parehas lamang ng lalaki, isang batang babae at isang lalaking nakasuot ng puro puti at may nakasabit sa leeg

'Ate Mal, Gising kana' sambit ng batang babae at bigla akong niyakap

hinawakan ko ang aking ulo dahil bigla itong kumirot. At naramdaman kong may nakabalot rito

'Sino ho kayo?' tanong ko ngunit parang naguguluhan sila

'Ano?' tanong sa akin ng babaeng hindi ganun katanda.

'Mallory, It's me your mom!' dagdag niya pa.

'ho? Hindi ko ho maintindihan ang gamit ninyong lenguahe' sagot ko sa kanya

Teka, nasaan ang aking kasama?

'Nasaan ho ang aking kasama? saan nyo siya dinala?'

parang nagtaka naman ang mga taong ito

'Doc ano hong nangyayari sa anak ko?'

'We will look on to this mrs. dahil kung makikita natin sa CT scan nya everything is fine.' sabi nung nakaputing lalaki

Bakit parang kakaiba ang kanilang mga kilos at salita?

'Sagutin nyo ang aking tanong mga tao! nasaan ang aking kasama?!' sigaw ko sa kanila

niyogyog naman ng babae ang aking balikat

'Anak! Mallory what is happening to you?! Hindi ko mainti dihan ang sinasabi mo?'

Binigyan ko naman siya ng nagtatanong na tingin

'Nagsasalita ka pero walang boses na lumalabas sa bibig mo' paliwanang niya

napahawak naman ako sa leeg ko at nakapa ko roon ang kwintas na bigay sa akin ng isang estranghero na hindi ko maalala at ang kwintas na bigay ng mahal na hari. Tiningnan ko naman ang aking soot at laking gulat ko ng makita kong wala na akong buntot. ang nakikita ko ngayon ay mga paa.

dahan dahan akong tumayo ngunit ako'y nabigo dahil sa aking pagkatumba.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Tinulingan ako ng mga taong nasa loob ng kwadradong kweba na iyon na makabalik sa higaan na aking pinanggaligan.

'daddy look, What's this? on ate Mal's legs?' sabi noong batang babae na hindi ko maintindihan

'Wait, is this scales? Fish scales?' Sabi noong lalaki

tiningnana naman ng nabuti ang babae ang aking mga binti

'It's odd. She's been here for only one week saan nya naman nakuha ito?' sabi noong babae.

Third Person's POV

'Anong nangyayari sa kanya?!' tanong ng isang lalaki

'Hindi dapat ito ang mangyayari sa kanya! Pagkatapos nya maging si Margarette ay makakavalik na siya a pagiging Mallory hindi ba?' tanong naman ng isa panglalaki. Nakaharao sila ngayon sa isang hindi katandaang lalaki ng nakatalikod naman sa kanila at nakatingin sa isang malaking monitor sa harap nito na makikita ang lahat ng nangyayari kay Mallory

Humarap ito sa dalawang lalaki.

'King. Alam kong alam mo kung bakit napadali ang pag alis ni Mallory sa oras at panahon ni Margarette' panimula neto

'Dahil sa isang bawal na pag ibig. Hindi pwede umibig ang isang tulad niya sa isang tagapag bantay na tulad mo. Tao siya. Ikaw hindi.' Dagdag pa neto

'Kaya ito nangyayari sa kanya ay dahil sa stress,depression at anxiety na naramdaman niya noong si pa si Mallory. Kung natatandaan nyo, ayaw nya nang bumalik sa pagiging Mallory dahil nawili ma siya s buhay ng Margarette' sabi noong matanda at tumayo

Pinindot niya ang isang botton na nasa mesa at lumabas ang isang hologram na nagpapakita ng kwintas at notebook.

'Pumasok sa kanyang katawan ang katauhan ni Malia dahil ito ang kanyang pangarap na 'sarili' ang matapang, mapagmahal, at pinagmamalaki na anak. Ito ay buhat ng kanyang imahenasyon' sabi niya at ponindot pa ang isng maliit na botton sa mesa kaya luamas ang isng hologram na nagpapakita ng isang story book

'Ito ang binabasang libro ni Mallory noong maliit pa lamang siya. at mula pa noon ay hinihiling nya na, na maging siya ang character na si Malia. Dahil sa desire niya, nakuha ni Malia ang kanyang katawan ng hindi sinasadya. Hindi rin ito alam ni Malia dahil hindi niya kilala si Mallory.' paliwanag ng matanda

'Ngunit, makakabalik oa ba si Mallory sa katawan niya?' tanong ni King

'Hindi pa siya patay hindi ba?' tanong naman ni Timer

'Hindi siya patay. Buhay ang diwa niya sa loob ni Malia ngunit kalahati lamang. May mga ala ala si Malia na dapat kay Mallory. Ngunit yun lamanv ang buhay kay Mallory sa loob ni Malia. Ang katawan niya ay buo lahat ni Malia. Kaya kung magkakaroon siya ng contact sa tubig, lalabas ang kanyang buntot at doon lamang lalabas tunay na Mallory ngunit hindi sa lahat bg oras.'

'Paano naman siya makakabalik?' Tanong ni King

'At maalala nya ba lahat bg mangyayari?' dagdag ni Timer

'hindi nya maaalala ang mangyayari sa kanya lahat lahat pati ang kanyang nakaraang buhay. Ni isa ay wala siyang maalala. Lahat ng mali ay maitatama sa panahon na iyon. Pati narin ang kanyang paligid. Mabubuo ang bagong Mallory. Gaya ng iba pa. Kailangan nyang labanan ang pwersa ni Malia para makabalik siya.'

'Pero paano?!'















































'Walang nakakalam'

TWISTED TIME [completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon