Ang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman sa wikang Filipino ay karugtong o sikwel ng Noli Me Tangere. Ang nobelang ito ay isinulat ni Dr. Jose Rizal noong Oktubre 1887 habang siya nagpapraktis ng medisina sa Calamba, Laguna. Ito ay orihinal na nakasulat sa wikang Kastila at inialay niya sa tatlong paring martir na kilala sa bansag na Gomburza (Padre Gomez, Burgos, at Zamora).Natapos ni Rizal ang El Filibusterismo noong Marso 29, 1891 na inilathala rin ng taon ding iyon. Isang kaibigan na nagngangalang Valentin Ventura ang nagpahiram diumano ng pera kay Rizal upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Sinasabing ang El Filibusterismo ay isang nobelang pampulitika na naglalayong magmulat sa kaisipan at mang-gising sa damdamin ng mga mambabasa upang ang hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan ay makamtan.
Ilan sa mga panganuhaing tauhan dito ay sina Simoun (Juan Crisostomo Ibarra), Basilio, Padre Salvi, at marami pang iba.
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Paghahari ng Kasakiman)COMPLETE
Historical FictionBuod ng bawat kabanata kasama narin ang mga talasalitaan/C O M P L E T E HIGH ACHIEVEMENT: #Makata