Kabanata 3

6.8K 27 0
                                    

Kabanata 3

Ang mga Alamat

Naabutan ni Padre Florentino na nagtatawanan ang mga tao sa itaas ng kubyerta. Pinag-uusapan ng mga pari ang pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan.

Pagkaraan ay dumating si Simoun. Aniya, sayang raw at hindi niya nakita ang mga dinaanan ng bapor. Wala daw kwenta sa kanya ang alinmang pook na kanyang makikita kung wala rin namang alamat ang mga ito.

Kaya naman sinimulang isalaysay ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-Bato.

Anang Kapitan, ito daw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang tirahan daw ito ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, sa halip ay nasalin sa mga tulisan ang takot.

Nabanggit ng Kapitan ang alamat tungkol kay Donya Geronima at inanyayahan na si Padre Florentino ang magsalaysay ng alamat.

May magkasintahan umano sa Espanya at ang lalaki ay naging arsobispo sa Maynila. Nagbalatkayo daw ang babae, sinundan ang kasintahan sa Maynila at hinihiling na sundin nito ang pangako na magpakasal sila.

Ngunit may ibang naisip ang arsobispo. Sa halip na pakasal ay itinira niya ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.

Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit naman si Donya Victorina at ibig ding manirahan sa kweba.

Tinanong ni Simoun si Padre Salvi ng, "Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara?" Sinagot ng pari ang tanong ni Simoun at sinabing hindi daw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo.

Upang mabago naman ang kanilang usapin ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwaya. Naging bato diumano ang mga buwaya ng dasalan ng Intsik ang santo.

Nang datnan ng bapor ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan banda doon napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.

Itinuro naman ng Kapitan kung saan. Sa tubig ay naghanap pa ng bakas si Donya Victorina ng pagkamatay kahit labingtatlong taon na ang nakalilipas mula ng mangyari iyon.

Ayon kay Padre Salvi, nakasama daw ng ama ang bangkay ng kanyang anak. Dagdag naman ni Ben Zayb, 'yon daw ang pinakmurang libing. Kaya naman nagtawanan ang iba.

Namutla naman si Simoun at walang kibo. Ipinagpalagay na lamang ng Kapitan na nahihilo ito dahil sa paglalakbay.

Talasalitaan:

Baging - halamang gumagapang
Bangketa - handaan
Muog - pader
Sinisiyab - binabangga
Taripa - buwis

El Filibusterismo (Paghahari ng Kasakiman)COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon