Kabanata 1
Sa ibabaw ng Kubyerta
Naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor Tabo isang umaga ng Disyembre. Patungo ito sa Laguna at lulan sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun.
Mataas ang tingin ng mga tao kay Simoun dahil na rin alam nila, lalo na ng mga tao sa Maynila, na naiimpluwensiyahan nito ang Kapitan Heneral.
Dahil sa kabagalan ng bapor habang sila'y naglalakbay ay napag-usapan sa ibabaw ng kubyerta ang pagpapalalim ng ilog Pasig.
Sa kanilang usapan ay iminungkahi ni Simoun na gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila.
Nagkasagutan sila ni Don Custodio na isang opisyal na konsehal at nagbigay ng solusyon na kumbinsihin na lang diumano ang mga tao na mag-alaga ng itik. Kinakain daw kasi ng mga itik ang mga suso sa ilog. Sa ganitong paraan, huhukayin daw ng mga tao ang ilog upang may makuhang suso na kanilang ipapakain sa mga alagang itik.
Ngunit hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang naturang suhestyon dahil nadidiri siya sa balot.
Talasalitaan:
Garote - bitayan na ang isang lubid na nakasilo sa leeg ng bibitayin ay napipilipit ng isang pamihit sa likod ng bibitayin hanggang mamatay sa sakal
Kubyerta - bahagi ng bapor
Pagpugay - paggahasa, pag-rape
Pagtutsada - pagmumura nang may paghamak
Panukala - mungkahi, balakin
Paring regular - uri ng pari, kasama sa orden o korporasyon
Paring sekular - uri ng pari, karaniwa'y Pilipino na walang kinasasapiang samahan o orden
Tandisan - tuwiran, harapan
Tikin - mahabang payat na kawayan na ginagamit sa pagpapatakbo ng sasakyang-pantubig sa pamamagitan ng mga bisig
Uldog - pari, prayle
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Paghahari ng Kasakiman)COMPLETE
Historical FictionBuod ng bawat kabanata kasama narin ang mga talasalitaan/C O M P L E T E HIGH ACHIEVEMENT: #Makata