Kabanata 29

2.8K 8 0
                                    

Kabanata 29: Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago

Marangya ang libing ni Kapitan Tiyago. Hinirang si Padre Irene na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan.

Ang malaking kayamanan ng namatay ay napunta sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. Ang dalawanpung piso ay itinira para pangmatrikula ng mga estudyanteng mahihirap.

Inalis ni Kapitan Tiyago ang dalawampu't limang piso na pamana kay Basilio dahil sa kawalang-utang na loob umano nito ngunit isinauli ni Padre Irene at siya na raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.

Pinagtatalunan nila kung anong damit ang susuotin ni Kapitan Tiyago. Ipinirisinta ni Kapitan Tinong ang kanyang sirang damit-Pransiskano na nabili niya sa isang prayle sa halagang tatlumpu't anim na piso.

Handa raw niya itong ibigay sa kaibigan na ni minsan ay hindi niya nadalaw noong nabubuhay pa.

Ang sastre ay tumutol at sinabing dapat prak ang ipasuot dahil ito ang suot ng kapitan nang magpakita sa mga mongha at ito ay laging naka-prak kapag dumadalo noong araw sa mga pagtitipon.

Nagprisinta pa ang sastre na hindi sisingilin nang mahal kapag sa kanya ipinagawa ang ipababaong damit. Tatlumpu't dalawang piso ang halaga ng niyari niyang damit.

Ngunit sa bandng huli ay si Padre Irene pa rin ang nasunod kaya isang lumang damit ng Kapitan ang ipinasuot nito.

Usap-usapan na nagpakita umano ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Dala ng namatay ang kanyang sasabunging manok, ang pisngi niya ay nananambok sa nganga at nasa kanyang bibig ang opyo.

Ang mga kasama ni Kapitan Tiyago sa sabungan na naroon ay pinag-usapan kung hahamunin kaya ni Kapitan Tiyago si San Pedro na pagsabungin ang kanilang manok sa langit.

Ayon kay Don Primitivo, naniniwala siyang parehong mananalo sina San Pedro at Kapitan Tiyago sa pagsasabong.

Sinalungat naman ni Martin Aristorenas ang teorya ni Don Primitivo. Para sa kanya, meron talagang mananalo at matatalo.

Tatlong pari ang nagmisa sa libing. Maraming kamanyang ang sinunog at agua bendita ang ipinandilig sa kabaong.

Hindi rin mabilang ang inawit na mga awiting Latin tungkol sa patay. Marami rin ang sumakit ang ulo sa katutugtog ng plegarya.

Humanga ang lahat sa libing ni Kapitan Tiyago.

Si Donya Patrocinio na kalaban naman ng kapitan noon sa pagkabanal ay inggit na inggit sa libing ni Kapitan Tiyago at tila nagnanais na mamatay na rin kinabukasan upang magkaroon ng libing na higit pa sa naging libing yumaong katunggali.

Talasalitaan:

Apyan - sigarilyo
Budhi - kalooban
Dayukdok - gutom na gutom
Hitso - nganga
Kuwakong - pinaglalagyan ng tabako
Maringal - marangya
Prak - barong Tagalog
Pinawalang-bisa - binalewala
Sumakabilang-buhay - namatay

El Filibusterismo (Paghahari ng Kasakiman)COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon