Kabanata 9
Ang mga Pilato
Kinaumagahan ay agad na tinungo ni Juli ng kinalalagyan ng Mahal na Birhen upang alamin kung may dalawandaan at limampung piso na sa ilalim nito.
Sa kasamaang palad ay hindi naghimala ang Mahal na Birhen kaya inaliw na lamang niya ang sarili at inayos ang damit na dadalhin pagtungo sa tahanan ni Hermana Penchang.
Dahil Pasko noon kaya ang mga bata ay binibihisan nang magara ang kanilang mga anak upang magsimba at pagkatapos ay dadalhin sa kanilang mga ninong at ninang upang mamasko.
Nagpunta sa bahay ni Tandang Selo ang kanilang mga kamag-anak upang mamasko ngunit nang babatiin na niya ang mga ito ay laking gulat niya na walang salitang lumabas sa kaniyang bibig.
Pinisil niya ang kanyang lalamunan, pinihit ang leeg at sinubukang tumawa ngunit kumibut-kibot lamang ang kanyang mga labi. Ang ingkong ni Juli ay napipi.
Talasalitaan:
Alatiit - pigil na salita
Ingkong - lolo
Ketong - sakit sa balat na umaagnas sa laman ng tao at nag-aalis ng pakiramdam
Nakapinid - nakasara
Nananagis - umiyak
Salabat - paboritong inumin ng karaniwang Pilipino. Ito ay dinikdik na luya, pinakuluan sa sapat na tubig at minamatamisan ng panotso o asukal
Sinunong - ipinatong sa ulo
Tampipi - sisidlan ng damit na yari sa kawayan o buli
Buod ng El Filibusterismo Kabanata 9: Ang mga PilatoNaging usap-usapan sa bayan ang mga nangyari kay Tandang Selo. Karamihan sa mga tao ay walang pakialam samantalang ang iba ay walang habas kung pagtsismisan ang matanda.
Anang ilan, kung di lamang daw umalis si Kabaesang Tales ay baka hindi hindi daw nangyayari iyon kay Tandang Selo. Nag-usap-usap din ang mga ito kung sino ba ang may kasalanan kaya nangyari ang kamalasan kay Tandang Selo.
Ibinunton naman ni Hermana Penchang ang sisi sa lolo ni Juli. Aniya, parusa raw ito dahil sa kakulangan ng pagdadasal at hindi pagturo ni Tandang Selo kay Juli nang maayos.
Nang mabalitaang ng Hermana na tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay sinabi niyang ang binata ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
Samantala, nakauwi na si Kabesang Tales dahil sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni Juli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang.
Nalaman din niyang nagpaupang utusan si Juli, ang kanyang lupa ay pagmamay-ari na ng iba, at napipi ang amang si Tandang Selo.
Pinapaalis na din siya sa kanyang bahay sa utos na rin ng hukuman at binigyan lamang ng tatlong araw para maialis ang lahat ng kanilang gamit. Ito nama'y ikinatuwa ng mga pari at ng bagong may-ari ng kanyang lupa.
Dahil sa mga kaganapang ito ay naupo lamang sa isang tabi ang Kabesa at nanatiling walang kibo.
Talasalitaan:
Mabubulid - mahuhulog
Matutudla - tatamaan
Nabalisa - nag-alala; hindi mapakali
Nagkibit - balikat - pinagsawalang-bahala
Paglusob - pagsalakay
Pagsanggalang - pagtatanggol
Sumasalungat - tumututol
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Paghahari ng Kasakiman)COMPLETE
Historical FictionBuod ng bawat kabanata kasama narin ang mga talasalitaan/C O M P L E T E HIGH ACHIEVEMENT: #Makata