Kabanata 20

3.4K 12 0
                                    


Kabanata 20: Si Don Custodio

Nasa mga kamay ni Don Custodio ang usapin sa akademya ng wikang Kastila. Siya ang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.

Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo o kilala sa tawag na "Buena Tinta" ay tanyag sa bahagi ng lipunan sa Maynila. Nakapag-asawa siya ng mayaman at sa pamamagitan nito ay nakapag-negosyo. Siya ay pinupuri kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan dahil si Don Custodio ay masipag.

Nang magtungo sa Espanya ay walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan. Wala pang isang taon ay bumalik na rin siya sa Pilipinas at nagyabang sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa Madrid.

Ipinalagay niyang siya'y isang amo at manananggol. Naniniwala siyang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba'y upang sumunod. Para sa kanya, ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan.

Pagkaraan ng labinlimang araw ay nakabuo na ng pasya si Don Custodio at handa na niya itong ipaalam sa lahat.

Talasalitaan:

Bantog - kilala
Di-masusupil - di mapipigil
Ginugol - inaksaya
Himala - kababalaghan
Katukayo - kapangalan
Masawata - masupil
Matapang - malakas ang loob
Nakagagambala - nakagugulo
Nakikini-kinita - nagugunita
Nalathala - naipahayag
Pananalig - paniniwala
Pangahas - nangunguna
Panukala - mungkahi
Sinang-ayunan - kinampihan

El Filibusterismo (Paghahari ng Kasakiman)COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon