Lumipas ang isang linggo na hindi ko pinapansin si Mel kahit na nasa bahay sya minsan. Nakokonsensya ako at the same time nagseselos ako sa sweetness ni kuya sa kanya.Wow kelan pako nakonsensya pagdating sa kanya? E samantalang dati hindi kona man talaga sya pinapansin.
May tumapik sa balikat ko.
"Kakain kaba o hindi?"-tanong ni Pam. Napatingin naman ako sa plato kona may pagkain. Tapos sa kanilang apat na nakatitig sakin.
"Kanina kapa tulala."- joana
"Do you have a problem? "- john asked.
"Mind telling us? "-si Jerome.
"Si Melissa...."- wala sa sarili kong sabi
"WHAT? "
"Inaway kaba nya?"
"Ikakasal naba sila ni kuya Kevin mo?"- sabi ni Jerome kaya napatingin ako sa kanya ng masama na ikinatawa naman nya pero halatang natakot.
"Hindi ako papayag no! "-inis na sabi ko.
"You really hate her for your Kuya? "-joana.
"Ano kaba full package si ate Melissa. Aside from that she's a Carvajal! Hindi na lugi si kuya kevin"-john.
"Hindi nga sabi sila bagay e! "-sikmat ko na ikinagulat nila pati nung ibang kumakain.
"Wow easy! May pms kaba?"-jerome.
"Isa kapa leche!"-sabi ko at inirapan sya.
Narinig naman namin ang tawa ni Pamella sa tabi ko.
"You're too obvious Annie"-she said.
"Obvious? San? "-joana asked curiously
"Wala. Ang sarap kasi asarin ni Annie"-sabi ni Pam
"Talaga?! Sige nga anong lasa?!"- singhal ko.
Lalo naman tong tumawa kaya tinitigan ko sya ng masama
"Lasang bitter"-dagdag nya at napailing iling nalang.
Tumayo ako at tinulak palapit kay Jerome yung pagkain ko.
"Sayo nayan. Patay gutom kana man"-sabi ko at kinuha ang bag ko.
"Grabe to! Pero salamat ha."-sabi nito bago lantakan yung pagkain ko.
Sakto naman na nagring ang cell phone ko.
It was an unknown number pero sinagot kona din.
"Hello? "-sabi ko
"Lumabas ka ng school. I'm waiting"-sabi ng babae na pamilyar ang boses
"I have class"-sabi ko kahit wala naman
"I know wala. So please come out. Kapag hindi ka lumabas kukunin kita dyan sa loob"-sabi nito at pinatayan ako ng tawag.
What the?!
Sino ba sya?! Makapag demand kala mo close kami.
"Alis nako"-sabi ko at hindi na pinansin ang pagtawag nila sakin.
May kutob nako kung sino yun pero sana hindi kasi ayaw ko talaga syang makita baka makalimot nanaman ako na kapatid ko ang jowa nya. Shocks! Mababaliw nako.
Lumabas ako ng school. I saw a familiar car na naka park sa labas.
Masyadong tinted ang sasakyan kaya hindi ko alam kung ito naba yun.
Bumukas ang driver seat at lumabas dun ang isang nakapang driver na attire.
"Pasok na daw po kayo"-sabi nito at minuwestra yung pinto na katapat ko.
BINABASA MO ANG
My Brother's Girlfriend
RomanceMahal ni Anne ang kuya nya. Simula kasi ng mamatay ang mama nila at naging missing person naman ang Papa nila ang kuya nalang nya ang meron sya. At umaasa syang tutulungan sya ng kuya nya hanggang sa huli para mahanap ang Papa nila. Mabait sya at m...