Sa muli kong pag apak ng paa sa semento ng Manila nalanghap ko kaagad ang mainit at polluted na hangin.
Hays nasa pilipinas nako. Hinawi ko ang buhok ko dahil sa init at pumara kaagad ng taxi at nagpahatid nako sa bahay. Oo sa bahay muna. Pagod ko at ayaw kona man na komprontahin si Mel gayong wala pakong naisip kung saan ako magsisimula sa mga nalaman ko.
Almost isang taon lang ako nawala tapos may iba na kaagad sya?
Pabagsak akong nahiga sa kama at hindi nako nakapagpalit ng dalawin kaagad ako ng antok.
Kinabukasan paggising ko naghanda muna ako ng almusal. Bago naligo at umalis.
"Hello baby"- bati ko sa sasakyan ko na natengga sa garahe.
Tinanggal ko ang takip ng kotse ko at medyo naubo pako sa alikabok.
Dumaan muna kaya ako sa car wash? Hmm.. Sige para presentable naman ako pag nag park sa harap ng kompanya nya.Sumakay nako at umalis. Namiss ko to. To drive alone.
After kong magpa car wash nagdiretso nako sa kompanya nya.
Yung kompanya na pinaghatidan ko sa kanya after namin na mag.. Basta after nung first night namin together sa condo unit nya.
Pinark kona yung kotse ko. Tinignan ko muna sa salamin ang itsura ko.
Tinali ko pataas ang buhok ko. I'm wearing my casual attire.Black fitted Pants and a long sleeves na white na tinuck-in sa harapan. Naka white sneakers din ako.
Nung makita kona wala naman dumi sa mukha ko bumaba nako at naglakad papasok.
Pagdating ko sa lobby lumapit kaagad ako sa babae na nandun.
"Nandito ba si Melissa Carvajal?"- I asked.
"Sino po kayo Ma'am? "-she asked.
"I'm a friend. Pede ko ba syang makausap? "-sabi ko.
"Naku ang alam ko po ay kasalukuyan na nasa meeting sya ngayon and she doesn't expecting any visitor as of the moment ma'am. Bumalik kana lang po"-sabi nya.
Hindi pede. Aamba pa sana ako ng salita ng may narinig akong boses.
"Ms. De Luca? "- sabi ng isang babae. Napalingon naman ako dun at nakita ko ang secretary ni Mel. Si Ms. Silvestro.
"Nakauwi kana pala? Anong ginagawa mo dito?"-she asked.
Wow close ba kami? Dami nyang tanong.
"Kilala mo sya? Hinahanap nya si Maam"-sabi ng babaeng kausap ko kanina.
"Ay oo kilala ko sya. Ako na bahala sa kanya. Dadalhin ko sya kay Maam"-sabi ng secretary nya.
Magpapasalamat naba ako at good timing ang babaeng ito?
"Pero may meeting si Ma'am diba?"- kontra nung babae.
"Malapit na matapos pede naman sya mag intay sa office ni Ma'am saka magkaibigan naman sila e"-sabi ng secretary nya at hinatak nako paalis papuntang elevator.
Pinindot nya ang floor ng office ni Mel.
"Lalo kang gumanda. Nakakaganda ba ang New York? "- natatawa nyang sabi.
"I don't know. Btw salamat"-sabi ko.
Ngumiti naman sya.
"Walang anuman. "-sabi nya at nang bumukas ang elevator ay lumabas na kami.
Naglakad kami. Kabisado ko ang lugar dahil Hindi ito ang first time ko dito.
She open the door of Mel office. Wala ngang tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/181753586-288-k585906.jpg)
BINABASA MO ANG
My Brother's Girlfriend
RomanceMahal ni Anne ang kuya nya. Simula kasi ng mamatay ang mama nila at naging missing person naman ang Papa nila ang kuya nalang nya ang meron sya. At umaasa syang tutulungan sya ng kuya nya hanggang sa huli para mahanap ang Papa nila. Mabait sya at m...