"Hoy. Hindi kaba nagsasawa kakatingin sa baba? Aba baka naman gusto mo din maglibot dito sa New York, mag iisang buwan kana na tulala lagi!"- sita sakin ni Dianne na kakatapos lang maligo.
Hindi ako umimik. Hanggang ngayon sariwa padin sakin ang lahat. Ang pagpapaalam ko sa kanya na parang iyon na talaga yung huli. Ewan ko ba o napaparanoid lang ako kasi hindi ko sya nakikita at nakakausap manlang.
"Si Melissa nanaman ba?"- she asked at tumabi ng tayo sakin dito sa may terrace na inookupa namin na condo.
"Sya naman lagi"-sabi ko at humilig sa railings.
"Akala koba maayos ang pag uusap nyo bago kayo umuwi ng Manila from Cebu?"- tanong nya at humalukipkip sa gilid.
"Maayos nga pero.. "- sabi ko at huminga ng malalim.
"Pero ano?"- she asked na interesado talaga sya sa isasagot ko.
"It felt weird you know? Na parang iyon yung huli?"- sabi ko.
"Bakit ano bang sinabi nya? I mean anong napag usapan nyo?"- she asked.
Muli akong tumingin sa baba kung saan madaming sasakyan at mga taong naglalakad.
The cold wind blows and the memories of my last encounter with her flashback in my mind.
Flashback
"Mel... I- I'm leaving"
Saglit syang nakipagtitigan sakin bago umalis sa ibabaw ko.
She sit down on the bed just beside me. Ako naman ay bumangon at naupo nadin.
"Speak"- she said in calm yet serious tone.
Napabuga ako ng hangin bago sinuklay ang buhok ko.
"Yung friend ni Dianne kasi gusto akong kunin bilang interior designer in abroad. Dianne already said yes to her friend and ako nalang ang inaantay nya."- I said to her.
Tahimik lang sya kaya pinagpatuloy kona.
"Pag uwi natin sa Manila, aalis nadin kami agad"- sabi ko pa.
"You'll be gone for how many months? "- she asked me.
I bit my lower lip. Ang hirap naman nito.
"Not months Mel.. I'll be gone for one year"- I said.
"Bakit ngayon molang sinabi? Kaya ba inaya mokong magbakasyon? "- she asked and this time tumingin na sya sakin.
"I'm afraid and ito lang yung way ko para makasama ka bago ako umalis. "-pag amin ko.
Binalot kami ng katahimikan bago sya tumayo at tinalikuran ako.
"Where are you going? "- I asked.
"Mag iimpake. I don't want you to be late on your flight when we get back to Manila. "-she said while putting all her things inside her bag.
Tumayo ako at nilapitan sya.
"P-pumapayag ka?"- tanong ko.
She sigh and look straight into my eyes. Ang maganda nyang mga mata ay nangungusap pero hindi ko maintindihan dahil yung ekspresyon naman ng mukha nya ay iba.
"Oo. Besides parte yan ng trabaho mo . I don't want to be the hindrance in your dreams."- she said in a calm and sincere way.
Niyakap ko sya nun. Bago ako nagdesisyon na maghanda nadin pauwi.
Pagkadating ng Manila hinatid kona sya sa condo nya.
Nung una ayaw pa nya pero nagpumilit ako.I know she don't want me to go pero alam ko din na gusto nyang gawin ko ang trabaho ko.
"Mel I'm sorry"- sabi ko pagkahatid ko sa kanya.
"I'm sorry kasi hindi ko kaagad sinabi sayo, please don't be mad at me. Babalik ako Mel. "-dagdag ko pa.Muli tinignan nya ako ng matagal na para bang kinakabisado ang lahat ng parte ng mukha ko.
"I'm not mad. It's just that bakit kung kelan gusto ko na makasama ka saka ka aalis?, I want you here Annie but I don't want to be selfish. Kung aalis ka edi umalis ka basta bumalik ka. "- she said at inisang hakbang ang pagitan namin para yakapin ako.
"You will always be my girl Annie. "- she softly said before giving me a brief kiss on the lips.
After that encounter umalis nako at umuwi to pack my things.
I thought makikita ko sya sa airport. Kasi kung oo mas pipiliin kong magstay. Pero hindi sya nagpakita. Siguro kasi gusto talaga nya na gawin ko kung ano ang dapat na gawin ko.
Ayaw nyang maging sagabal kagaya ng sinabi nya kaya hinayaan nya ako.End of flashback
After ko magkwento kay Dianne, napailing iling naman sya.
"Suportado ka naman pala nya bakit hindi kapa din masaya?"- she asked.
"I don't know. I felt empty in here"- sabi ko at tinuro ang puso ko.
"Ang corny mo pero kung miss mona sya edi tawagan mo"-she said.
"Ayaw ko baka lalo kong magustuhan na umuwi nalang"- sabi ko.
Nagkibit sya ng balikat.
"Bahala ka. Ikaw din kapag iyon nakipag usap sa iba hindi na nun sasagutin ang mga possible na tawag mo. Sa tingin moba walang magkakagusto dun? Sobrang ganda kaya ng babaeng yun!"-sabi nya at napaisip naman ako.
Sabagay may point sya kaya naman iniwan kona sya sa terrace at pumasok ako para kunin ang phone ko.
I dialed her number and after a few more rings sinagot nya ito.
"Melissa Carvajal speaking, who's this? "- she asked on the other line.
I missed her voice. Her sweet voice.
"It's me. "- I said.
Bigla naman tumahimik sa kabilang linya.
"Mel?"- I asked.
"Annie.. H-how are you? Bakit ngayon kalang tumawag?"-she asked.
"Sorry.. Ayaw kolang na mamiss kita ng sobra, a day without you by my side felt like I'm empty. "- I said.
"I missed you too."-malambing na sabi nya.
"Wait for me Mel. "-sabi ko.
"I will just please be good there. You know that I can go there to see you but I don't want to distract you. And besides I'm so busy in here. "-malungkot na sabi nya.
Naiimagine ko tuloy na baka haggard na sya dun kakatrabaho sa office nya.
"I need to hang up now. Next time ako nalang ang tatawag sayo"-she said.
"O-okay"- sabi ko at nawala na sya sa linya.
I love you Mel.... Gusto ko sanang sabihin yun... Pero siguro next time nalang.
Binaba ko ang phone ko at naupo sa kama.
Mag aayos nako. Walang mangyayari if magmumukmok ako dahil Miss kona sya.
I need to work para madaling lumipas ang mga araw.
Kapag kasi nakastay kalang sa bahay ang bagal ng oras e."Dianne! "- I called at pumasok naman sya agad.
"What? "- she asked.
Ngumiti ako sa kanya.
"Tara. Sasama ako sayo sa labas"-sabi ko at sinuot ang jacket ko para iwas lamig.
Napangiti naman sya.
"Boses lang pala nya katapat mo e"-sabi nya bago ako hinatak palabas ng condo na pinagstayan namin dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/181753586-288-k585906.jpg)
BINABASA MO ANG
My Brother's Girlfriend
RomanceMahal ni Anne ang kuya nya. Simula kasi ng mamatay ang mama nila at naging missing person naman ang Papa nila ang kuya nalang nya ang meron sya. At umaasa syang tutulungan sya ng kuya nya hanggang sa huli para mahanap ang Papa nila. Mabait sya at m...