"Winter, please take care of your sister and leave as soon as possible." Paalala sa kaniya ng lolo niya habang iniimpake nito ang mga gamit nila.
"How about you lolo, are you going with us?" Tanong ni Winter sa lolo niya.
Tumigil ang lolo niya sa ginagawa at tumingin sa kanya ng nakangiti pero kita ang lungkot sa mga mata nito.
Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at lumuhod sa harap niya para magpantay silang dalawa.
"Apo, hanggang dito nalang ako. Hindi ako pwedeng sumama sa inyo." Malungkot na sagot ng lolo niya.
"But.... Why?" Takang tanong niya sa lolo.
Magsasalita pa sana ang lolo niya nang bigla itong maging alerto. Agad itong humarap sa kaniya at ngumiti kahit kita ang pangamba sa mga mata nito.
"Leave this place now, Apo. Magpakalayo-layo kayo. Find your real parents. Wag na wag mong pababayaan ang kapatid mo. Please apo." Nagmamakaawang saad ng lolo niya.
Tumango siya dito dahilan para ngumiti ang lolo niya.
Kinuha nito ang mga gamit nila at saka siya nito hinawakan ang kamay niya saka sila pumasok sa kuwarto kung saan nakahiga si Summer.
"Gisingin mo ang kapatid mo Apo. At agad kayong umalis. Dito kayo sa likuran dadaan. Wag na wag kayong lilingon dito. Maliwanag ba?" Paalala ng lolo niya sa kanya.
Mabilis siyang tumango at lumapit sa kapatid na mahimbing ang pagkakatulog.
"Summer... Summer... Wake up!!" Paggigising niya dito.
Maya-maya ay nagising na rin ito.
"Ano ba naman yan Winter!! Alam mo namang antok na antok ako eh!!" Maktol ng kapatid pero hindi niya iyon pinansin at mabilis na hinawakan ang kamay nito at hinila.
Kinuha niya ang gamit nila sa lolo nila at saka siya tumango dito at mabilis na tumakbo habang hila-hila pa rin ang kapatid na mukhang antok na antok.
"T-teka Winter.. Saan ba tayo pupunta at bakit dala-dala mo ang mga gamit natin?? Asan si Lolo??" Nagtatakang tanong ng kapatid na mukhang ngayon lang nito napansin ang pag-alis nila.
At imbis na sagutin ito ay nagpatuloy lang sila sa pagtakbo.
"Winter.. Ano bang nangyayari??" Naguguluhang tanong ng kapatid.
"Continue running." Yun lang ang inutos nito sa kapatid.
Wala na itong nagawa kundi ang sundin ang gusto niya.
Napatigil sila nang makarinig sila ng putok ng baril kung saan sila nanggaling. Tumingin sila sa pinanggalingan nila at nakita nila ang mga naglalakihang apoy.
"W-Winter... A-anong...." Hindi matapos ni Summer ang gustong sabihin dahil sa pagkabigla.
Hindi na nagsalita si Winter at hinila nanaman ang kapatid palayo dun.
"Teka si Lolo!! Puntahan natin siya!! Winter!!" Pagpupumiglas na saad ni Summer pero mahigpit ang kapit ni Winter dito at hila hila pa rin ito.
"Winter ano ba!! Si Lolo!! Kailangan tayo ni Lolo!!" Pagpupumiglas ulit nito at dahil sa lakas ng pagkakahila nito ay nabitawan siya ni Winter at akmang tatakbo na ito ulit pabalik ay pinigilan niya ang kapatid.
"Stop it Summer!! Let's go!! We need to get out of here!" Inis na sambit niya sa kapatid na hanggang ngayon ay nagwawala pa rin.
"No!! Hindi ko iiwan si Lolo!! Ano ba!! Bitawan mo ko Winter!!" Pagpupumiglas nito.
YOU ARE READING
Survival Game: Legendary
Science FictionAUTHOR: Jixxie_Joe GENRE: Science Fiction, Action, Romance, Fantasy LANGUAGE: Filipino/English ©All Rights Reserved. 2019. Jixxie_Joe "PLAGIARISM IS A CRIME"