Survival Game 4

34 3 0
                                    

"Shawn Titus Point Of View"

"Hindi pa rin ba siya nagigising?" Nag-aalalang tanong ni Ariela pagkalabas ko ng kwarto kung saan nakahiga ang kapatid ko.

Umiling lang ako dito saka ako umupo sa bench habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa mukha ko habang nakatukod ang siko ko sa hita ko.

D*mn it!! Habang tumatagal, mas lalo lang akong nagngingitngit sa galit. Lalo na kay Summer.

How could she do this to us?! To me?!

Hinding hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon.

---

Papunta ako ngayon sa lugar kung saan nitext sakin ni Britt kung nasan ang kapatid ko at ang girlfriend ko.

D*mn!! I hope that they're fine. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may mangyari sa kanila.

Pagkarating ko dun ay agad kong hinanap sina Shanice at si Summer. Nang makita ko sila at lalapitan ko na sana sila nang matuod ako sa nakita.

Blood.....

Too much blood...

Knife....

Pagtingin ko kay Shanice ay nakahiga lang ito sa sahig habang maraming dugo ang tumutulo sa ulo nito.

Kusang umangat ang ulo ko at tumigil iyon sa taong hindi ko inaakalang makakagawa nito sa kapatid ko.

She... She hurt my sister. Summer hurt her...

---

Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin iyon sa kapatid ko. Kung alam ko lang na ganun siya ay sana... Hindi ko nalang siya pinagkatiwalaan.

F*ck!! She's my girlfriend pero nagawa niyang saktan ang kapatid ko!! D*mn it!!

Hanggang ngayon nagagalit pa rin ako. Galit pa rin ako sa kanya pero may side sakin na nasasaktan dahil sa ginawa ko.

But d*mn it!! Natatakpan lang ng galit ang pagsisisi ko.

Nagngingitngit ako sa galit ngayon.

Napatingin ako kay Britt nang hawakan nito ang kamay ko na may malungkot na tingin sakin.

Britt is my girlfriend now. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko pa malalaman ang ginawa ni Summer. She's always there for me when I needed her. Tuwing hindi ako makatulog ay siya ang tumutulong sakin.

"She'll be fine." Saad nito saka ngumiti.

Ewan ko kung namalikmata lang ba ako pero parang may kung anong dumaan na emosyon sa mga mata nito na di ko nalang pinansin.

I'm overthinking again.

Tumingin lang ulit ako sa kwarto kung nasan nakahiga si Shanice.

Tumayo ako at naglakad ulit papunta sa loob. Saka ako umupo sa tabi ni Shanice saka ko hinawakaan ang kamay niya.

Hindi talaga ako makapaniwala na magagawa niyang saktan si Shanice. Magka close sila pero nagawa pa rin nuyang saktan ang kapatid ko na wala man lang kalaban laban.

How could she?!

Huminga ako ng malalim saka ako tumingin sa kapatid ko na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. Lumapit ako dito saka ko hinalikan ang noo nito at bumulong.

"Wake up now. Lil' sis. Miss na miss ka na ni Kuya." Bulong ko dito saka ko siya hinalikan ulit sa noo.

Tatayo na sana ako nang biglang gumalaw ang daliri ni Shanice.

Survival Game: LegendaryWhere stories live. Discover now