Survival Game 9

21 2 0
                                    

*Summer Point of View*

Kanina pa ako dito naghihintay kay Winter at hanggang ngayon wala pa rin ito.

Asan nanaman kaya nagsususuot ang babaitang iyon? Akala ko ba mabilis lang siya? Eh halos mag i-isang oras na siya sa labas ah!?

"Haiisstt!! Kambal asan ka na!!" Inis na sigaw ko habang ginugulo ko ang buhok ko dahil sa inis.

Eh sa nakakainis naman talaga!!

"Pfft~"

Tinignan ko ng masama si Cannaryo nang marinig ko ang mahina nitong pagtawa.

"Anong tinatawa tawa mo diyan?!" Mataray na tanong ko dito habang nakakibit balikat.

"Anong tumawa! Hindi kaya ako tumawa!" Usal nito habang umiiling iling pa pero kita ko sa mukha nito na nagpipigil lang ito ng tawa.

At dahil sa inis ko at tinalikuran ko ito at nagpabalik balik nanaman sa paglalakad habang naghihintay sa kakambal ko na nag ala dora the explorer na.

Nang hindi pa rin dumadating si Winter ay napapadyak na talaga ako ng sobra dahil sa inis.

"Pffft~"

Huminga ako ng malalim bago ako pumikit para pakalmahin ang sarili ko. Pero dahil sa sobrang inis ay lumapit na ako kay cannaryo at sinabunutan ko ito at pinalo.

"Ahh!! Sh*t!! Araayy!!----- teka la---Ahh!! What the!!--- arrayy!! F*ck!! Tigil--- Araayy!! Ano ba--- tigil sabi!!"

"Bwisit ka!! bwisit ka!! Kanina pa ako naiinis sayo cannaryo ha!!"

"Pfft--- ahh!! F*ck!! Bitaw!! Araayy!! Yung buhok ko!! Sh*t!! Summer!!"

Binitawan ko ang buhok nito saka ko ito sinipa sa paa nito. Napasigaw naman ito dahil sa sakit habang nagmumura pa. Hah!! Bagay lang sa kaniya iyan!! Bwisit siya!!

Tumingin ito ng masama sakin habang hawak hawak pa rin ang nasaktan nitong paa.

Tinawanan ko naman ito saka ko ito nginisihan.

"D*mn that hurts you know!!" Inis na bulyaw nito sakin habang hinihimas himas ang paang nasaktan.

Nag cross arm naman ako habang nakangising nakatingin sa kaniya. Bagay lang sa kaniya yan. Tawanan ba naman ako. Bwisit talaga, Hmmp!

Dinilaan ko ito saka ako tumawa ng malakas. Yung tawang nang-aasar. Heh!

"What happened here?" Tanong ng taong kanina ko pa hinihintay.

Agad naman akong umikot at bubulyawan na sana ako nang mapatigil ako at biglang nanlaki ang mata ko dahil sa nakita kong kasama nito.

"W-W-W----- Ahhhh!!!" Napasigaw na ako dahil sa takot saka ako nagtago sa likuran ni Cannaryo.

"Araay!! Ano ba!!" Inis na sambit ni Cannaryo pero hindi ko ito pinansin at nagtago pa rin sa likuran niya. Wala rin akong pakialam kung nasasaktan ko ang paa niya.

Pero...

Totoo ba talaga itong nakita ko?? A-Akala ko hindi totoo ang mga iyon? Eh bakit nakakakita ako ng ganun ngayon?? Hindi ba talaga ako namamalikmata?

Sumilip ako at nang makita ko ito ay napapikit nalang ako. Huhuhu totoo nga!!

"Wala ka bang balak na umalis sa likuran ko?" Tanong ni Cannaryo.

Umiling ako habang nakapikit at nakayuko.

"He won't hurt you so come out now." Rinig kong usal ng kakambal ko.

Survival Game: LegendaryWhere stories live. Discover now