Survival Game 1

62 4 0
                                    

"Winter Point Of View"

Nandito ako ngayon sa rooftop kung saan mula dito ay nakikita ko ang target ko na walang ibang ginawa kundi ang kainin ang labi ng babaeng mukhang tsonggo. Yuck!

At bago pa man ako masuka sa ginagawa nila ay itinapat ko na ang sniper ko saka walang pag-aalinlangang kinalabit ang gatilyo nun dahilan para matamaan sa ulo ang target.bulls eye.

Kita ko pa ang paghestirikal ng babaeng kanina lang ay kahalikan nito. Pasalamat siya at hindi siya ang natamaan ng bala ng sniper ko.

Inayos ko na ang gamit ko at umalis na dun. Baka may makatunog pang nandito ako at mapatay pa ako ng wala sa oras.

Pagkalabas ko sa lugar na iyon ay agad akong sumakay sa bigbike ko at pinaharurot iyon papuntang HeadQuarters kung saan ni re-report ang mga ginawa namin.
Makalipas lang ng ilang minuto ay nakarating na rin ako dun. Pagkarating ko dun ay dire-diretso akong pumasok.

"Oh! Kamusta? Tapos na ba?" Bungad ni Jhay nang makapasok na ako.

Tumango naman ako saka ko nilibot ang tingin sa loob at hinanap ang kapatid ko.

"Hinahanap mo ba si Summer?" Tanong ni Jhay kaya naman ay tumango ako.

"Yeah, where is she?" Takang tanong ko.

"Nasa bar. Puntahan mo nalang." Sagot nito.

Tumango nalang ako pero bago pa ako pumunta dun ay dumaan muna ako sa office ni Boss.

Pagkarating ko dun ay kumatok ako dun.

"Pasok." Saad ng isang baritonong boses.

Agad naman akong pumasok sa loob. Pagkapasok ko ay nakita ko si boss na halatang busy dahil sa mga papeles na nakakalat sa desk nito.

Tumikhim ako dahilan para matigil ito at mapatingin sakin.

"The mission is done." Cold na usal ko.

Ngumiti naman ito. Saka may  kinuha sa cabinet nito at inabot nito sakin.

"Here. Good job Agent D." Nakangiting usal nito.

Kinuha ko iyon saka ako tumango dito at nagpaalam na.

Tinago ko iyon at saka ako pumuntang bar kung nasaan si Summer.

Pagkarating ko dun ay agad kong hinanap ang kapatid ko. Nang makita ko ito ay agad akong lumapit dito. Nang makita ako nito ay ngumiti ito ng malawak saka ito kumaway kaway at tinawag pa ang pangalan ko.

"Winter!!" Tawag nito sa kanya at kumakaway kaway pa.

Napailing nalang siya dahil mukhang lasing na ito. Pagkalapit niya dito ay agad itong kumapit sa kanya na parang tuko at hinila siya palapit sa taboe kung saan ito nakaukupa.

Nang ilibot nito ang tingin dun ay nakita niyang mga kasama niya ito sa trabaho.

Bumaling siya kay Summer at laylay na ang ulo dahil sa kalasingan.

"Summer. Come on. We're leaving." Saad niya dito.

Tumingala naman ito sa kanya na mapupungay pa ang mga mata at halatang lasing na lasing na. Nakasimangot ito at mukhang wala pang balak na umuwi.

"M-mamaya na tayo u-umuwi *hik*." Saad nito.

Umiling naman ako dito.

"Were leaving now. You're already drunk. Come on." Saad ko dito at inakay na palabas.

Pero ayaw talaga nitong magpapigil. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa kakulitan ng kapatid ko.

"Don't be so stubborn Summer!! Come on!" Mariin na usal ko pero andun pa rin ang lamig nun.

Survival Game: LegendaryWhere stories live. Discover now