Survival Game 3

35 3 0
                                    

"Winter Point Of View"

Nakasakay na kami ngayon dito sa loob ng sasakyan pero itong kasama ko, mukhang hindi pa rin nakaka move on at nakatunganga pa rin.

Dahil dito ay sinadya kong i preno ng malakas ang dahilan para magising itong katabi ko.

"What the h*ck Winter!! May balak ka bang patayin ako sa gulat?!" Inis na usal nito.

Nagkibit balikat nalang ako dahil sa inusal nito.

"Kanina ka pa tulala. Mukha kang baliw." Sambit ko dito at pinaandar na ulit ang kotse.

"Tsk. Bakit ba kasi tatayo lilipat??" Takang tanong nito. Pang limang ulit na tanong niya. Nakakairita.

"Dahil nga sa mission ko." Pag-uulit ko rin sa sagot ko.

Inirapan naman ako nito. Hindi ko nalang ito pinansin at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng kotse dahilan para mag reklamo nanaman itong kakambal ko.

"Geez!! Dahan-dahan lang!! Wag kang magmadali pwede?!" Inis na usal nito.

Pero hindi ako nakinig at mas binilisan ko pa ang pagpapaandar nun dahilan para murahin ako nito ng paulit ulit. Pfft.  

Nang makarating na kami sa pupuntahan namin ay bigla akong pinagpapalo ni Summer pero tinawanan ko lang ito.

"Nakakainis ka talaga Winter!!" Naaasar na sabi nito.

"Pfft. Mukhang kang natatae kanina dahil sa itsura mo." Natatawang usal ko.

"Hmmp! Ang lakas mong mang-asar!! Nakakainis ka!" Nakangusong saad nito at nag cross arms pa na mukhang nagtatampo.

Ngumiti naman ako dito saka ako yumakap dito.

"Feeling better now?" Bulong ko dito.

Tinutukso ko lang naman talaga siya para ma divert sa ibang bagay ang nangyari kanina sa school. I don't want to see her looks so sad. So lost. Tama na yung isa. And I will make sure that it won't happen again.

Naramdaman ko ang pagyakap nito pabalik sakin saka nito binaon ang mukha sa leeg ko.

"Thank you kambal. I was really lucky to have you." Bulong nito.

"Ang drama mo." Natatawang usal ko dito at kumalas na sa yakap nito.

"Ikaw naman, ang arte mo! Nagdradrama pa eh!" Nakangusong usal nito.

Umiling nalang ako dahil dito saka siya hinila para pumasok na sa loob. Pagkapasok namin ay dumiretso agad kami sa office ni boss.

Agad akong kumatok at may nagbukas naman nito. Kaya naman ay pumasok na kami pareho.

Pagkapasok namin ay napatingin samin si Boss. Sa tabi nito ay may isang lalaking hindi ko alam ang pangalan at wala akong pakialam.

Hindi ko na iyon pinansin at tumingin nalang ako kay Boss saka ko inabot ang envvelope na naglalaman ng Transferrals Application namin ni Summer.

"Winter, sa boss mo ba tayo i a-apply?" Nagtatakang tanong ni Summer na tinanguan ko lang.

Nang tumahimik itong katabi ko ay tumingin ako dito. Mukha itong tanga at mukhang hindi na gets ang gusto kong ipahiwatig.

Napa face palm nalang ako. Srsly?!

Hindi ko nalang ito pinansin at humarap ulit kay Boss.

"Kailan kami aalis??" Tanong ko dito.

Survival Game: LegendaryWhere stories live. Discover now