CHAPTER 1

24 3 0
                                    

Dee's POV

Mula Manila ay tinahak ko ang daan patungong Pampanga kung nasaan ang kaibigan kong si Kyra. Hininto ko ang kotse sa tapat ng convenience store. Nagugutom na ako, hindi kasi ako nag-almusal bago umalis. Nagsisisi tuloy ako ngayon.

Pagkatapos kong kumain ng sandwich ay tinawagan ko si Kyra para magbigay abiso na malapit na ako sa address na ibinigay niya.

Ringgggg~

"HELLO! MY DEAR BFF!" agad kong nailayo ang phone sa tainga ko sa lakas ng boses ng kausap ko.

"Ano ba? Ba't ka naninigaw?" siyang angil ko.

"Ay sorry naman. Na-excite lang ako, ikaw naman," paglalambing niya. "Oh eah nasaan ka na bang babae ka?" ang daldal talaga. Tsk.

"Nandito na ako sa malapit. Nagutom ako kaya huminto muna ako sandali," paliwanag ko.

"Huminto lang? Nabusog ka naman ba?" siraulo talaga.

"Malamang huminto ako para bumili ng pagkain."

"Bumili lang hindi kumain?"

"Isa pa Kyra, sapak sasalubong sa'yo mamaya," pagbabanta ko sa mga biro niyang hindi malaman kung saan nanggagaling.

"Biro lang ito naman. Bilisan mo na lang diyan dahil kanina pa ako dito sa labas ng bagong apartment mo! Ang init kaya bilisan mo bago mo pa ako madatnang daing dito," pagrereklamo niya sa kabilang linya.

"Oo eto na. Aalis na. Sino ba kasi nagsabing pumunta ka ng maaga diyan?"

"Malamang iwe-welcome kita! Alam mo kahit kailan hindi ka marunong um-appreciate ng effort eah no!" nai-imagine kong nakapameywang ang isang kamay niya habang gigil na gigil makipag-usap sa phone.

"Oh edi thank you! Na-touch ako! Eto na nga 'di ba? Ang dami pang daldal. Bye na muna, magdadrive ako."

"Bahala ka sa buhay mo uuwi na ako," pagkatapos niyang sabihin 'yon ay ibinaba niya na ang tawag. As if namang uuwi talaga siya.

'Sira talaga. Tsk'

Dumiretso na ako sa kotse at nagpunta na sa bagong apartment ko.

First time kong manirahan sa Pampanga at first time din na mahiwalay ako kay Mommy. Buti nga at pumayag siya na magtransfer ako dito kahit na wala naman kaming kakilala dito. Well, si Mommy wala pero ako mayroon, si Kyra.

I met Kyra 7 months ago sa SM Pampanga. Sembreak 'yon at naisipan kong lumuwas para makita ang Pampanga Eye. Fortunately, I met her sa isang resto sa loob ng mall.

-Flashback-

I was about to pay my bill sa isang resto pagkatapos kong kumain. May babaeng humila sa akin patagilid. Noong una ay nabigla ako at handa na akong manigaw dahil nanghihila nalang siya basta-basta pero pagkaharap ko sa kanya ay napamaang ako dahil yung puting blouse niya ay natapunan ng kung anong sauce.

Hinarap ko yung dalawang babae na nakatapon ng sauce sa kanya, may hinihintay akong salitang sasabihin nila pero kemalas-malasang wala akong narinig na kahit na ano bagkus ay parang nanghahamon pa ng away ang mga tingin nila.

"Hey you two! Spell tanga!" malakas na sambit ng babaeng nanghila sa akin.

"T-a-n-g-a?" nanlaki ng kaunti ang mga mata ko sa lakas ng loob na sumagot nitong babaeng walang hiya.

"Hah! Wrong, it's double 'U' which means you and you!" turo ng katabi ko sa dalawa.

"How dare you?" sagot naman ng isang babaeng mukhang nasubsob sa regla dahil sa pula ng labi at pisngi.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon