CHAPTER 16

3 0 0
                                    

Dee's POV

"Let's start with kailan nagsimula 'yan?" ani Kyra.

"Ang alin?" inosenteng sagot ni Andeng.

"'Yan!" turo niya sa dibdib ni Andeng. "'Yang naramramdaman mo!" paglilinaw niya.

"A-Ah," yumuko si Andeng at halatang hindi niya masagot ang tanong ni Kyra. "H-Hindi ko alam. Lintik kasi na bayot 'yun eah," aniya pa.

"Kung sabagay, hindi mo nga naman mapapansin na nahuhulog ka na pala sa isang tao. Malalaman mo nalang isang araw na nag-iba na pala ang tingin mo sa taong 'yon," singit ko sa usapan.

"WOW! Expert teh?" tinaasan ko nalang ng kilay si Kyra. "Okay! Eto nalang sagutin mo. Kung may gusto ka na pala kay MJ eah bakit inaasar mo pa rin siya? Ikaw ah! Damoves ba ng Andeng 'yon?" baling niya kay Andeng.

"Damoves ng An-- haaa..." pag-uulit ni Andeng. "MALAMANG! Alangan namang ipakita ko sa kanyang nagbago na pagtingin ko sa kanya, edi napaghalataan ako!"

"May point siya," pagsang-ayon ko.

"Tsk. Ikaw na nga lang magtanong!" ani Kyra sa akin.

"Bakit ka umiyak?" diretsong tanong ko.

"Oo nga! Bakit ka umiyak?!" ani Kyra.

"Nanood nga ako ng movie kagabe 'di ba? Ang kulet!" pag-uulit niya sa sagot niya kanina.

Hindi kami sumagot ni Kyra at binigyan namin siya ng mapanuring tingin.

"T-Totoo naman ah! Nanood ako ng movie!" depensa niya ulit.

"Talaga lang ah," nang-uuyam na sagot ni Kyra.

"Mamamatay ka man?" parang batang sabi ko.

"Oo!" sagot niya.

"Mamatay man si MJ?" ani Kyra.

"T-Teka walang gan'yan!" pagsuko niya.

"See? Handang kang mamatay pero 'pag si MJ mamamatay, kokontra ka?" sabi ko.

"Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig. Tsk tsk tsk," umiiling na wika ni Kyra.

'Kala mo naman walang jowa. Tsk'

"Ano na? Sasagot ka ba o mababalitaan mo nalang na nasa ilog na ang katawan ni MJ bukas?" banta ni Kyra.

"E-Eah kasi naman!" halatang hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag.

"Kasi naman... 'yung bayot na'yon! Hindi ko naman kasi inaasahan na mag-iiba 'yung nararamdaman ko do'n. From gradeschool to highschool kayo na kasa-kasama ko. Tapos kung kailan last year na natin sa highschool, 'tsaka pa ako nagkaroon ng pagtingin sa bayot na 'yon."

"Nasa'n 'yung sagot do'n?" mataray na sagot ni Kyra kaya tinapik ko ang braso niya. Hindi siya pinansin ni Andeng at nagpatuloy lang sa pagku-kwento.

Nagsisimula na ring maging emosyonal si Andeng at kaunti nalang ay babagsak na ang mga luha mula sa mga mata niya.

"H-Hindi ko inaasahan 'to kaya hindi ko rin alam ang gagawin ko. Magsasabi ba ako o itatago ko nalang?" tuluyan na siyang naluha at hinayaan lang namin siyang magpatuloy.

"Kapag tinago ko, walang kasiguruhan na lilipas 'tong nararamdaman ko. Kapag nagsabi naman ako, iniisip ko na baka masaktan lang ako at ayokong sumugal. Ayokong masaktan kapag siya na mismong nagsabi sa akin na hindi kami parehas ng nararamdaman," habang hinahaplos ni Kyra ang likuran ni Andeng ay hindi ko na naiwasang magtanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon